-
Notifications
You must be signed in to change notification settings - Fork 2
/
Copy path26 Judas
25 lines (25 loc) · 4.56 KB
/
26 Judas
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
[1:1] Judas, isang alipin ni Jesu Kristo, at kapatid ni Tyago, sa mga pinaging banal sa Diyos Ama, tinawag, at iningatan kay Jesu Kristo.
[1:2] Sumainyo ang awa. At ang kapayapaan, at pag-ibig nawa ay sumagana.
[1:3] Mga minamahal, nang aking ituon ang lahat ng atensyon sa pagsusulat sa inyo patungkol sa kaligtasan na taglay nating lahat, kinailangan kong isulat sa inyo, at pakiusapan kayo na masugid niyong ipaglaban ang pananampalataya na ibinigay noon sa mga banal.
[1:4] May mga tao kasing lihim na nakalusot, na noon pa ay nakatalaga na para sa kaparusahang ito, mga taong walang Diyos, na binabago ang kagandahang-loob ng ating Diyos para magdulot ng kawalang-hiyaan, at itinatakwil nila ang nag-iisang Panginoong Diyos, at Panginoon nating Jesu Kristo.
[1:5] Pero sadya ko kayong naalala, yamang alam niyo ito noon pa, na ang Panginoon, matapos na iligtas ang mga tao mula sa lupain ng Egypt, ay nilipol ang mga hindi nanampalataya.
[1:6] At ang mga anghel na hindi nanatili sa kanilang unang katayuan, bagkus ay iniwanan ang sariling tahanan, ay niligpit Niya gamit ang walang hanggang mga kadena sa ilalim ng kadiliman hanggang sa Araw ng Dakilang Paghuhukom.
[1:7] Gaya sa Sodom at Gomorrha, at sa mga lungsod na nakapalibot sa kanila, katulad sa paraan ng mga ito ay isinuko nila ang mga sarili sa kahalayan, at sa paghahabol sa kakaibang katawan. Sila ay nagpapakita bilang halimbawa ng mga tumatanggap ng kaparusahan sa walang hanggang apoy.
[1:8] At gayundin naman ang mga mahihilig na managinip na ito ay talagang dinudumihan ang laman, at di sumusunod sa awtoridad, at nagsasalita ng masama laban sa mga nakatataas.
[1:9] Pero si Michael na isang arkanghel, nang makipaglaban sa diyablo ay nakipagtalo siya patungkol sa katawan ni Moises, na di nagtanggkang magbigay ng masamang akusasyon, sa halip ay sinabi niya, "Sinasaway ka ng Panginoon!"
[1:10] Pero ang mga ito ay nagsasalita ng masama sa mga bagay na talagang wala silang alam: at anumang bagay ang likas nilang nalalaman, tulad sa mga walang isip na hayop, sa pamamagitan ng mga ito ay sinisira nila ang kanilang mga sarili.
[1:11] Lagot sila! Dahil sumunod sila sa paraan ni Kain, at ibinigay nila ang kanilang mga sarili sa kasalanan ni Balaam para tumanggap ng sahod, at napahamak sila sa rebelyon ni Kore.
[1:12] Sila ay mga bato sa ilalim ng dagat na nakikisalo sa gitna ng inyong mga mahal na piging, na makakapal ang mukha na nag-aalaga sa mga sarili nila: mga ulap na walang tubig na tinatangay ng mga hangin; mga natuyong puno, walang mga bunga, dalawang beses na namatay, binunot ang mga ugat;
[1:13] malalakas na alon ng dagat na namamaga sa sarili nilang mga kahihiyan; mga bituing ligaw, kung saan itinalaga ang lagim ng kadiliman magpakailanman.
[1:14] At si Enok rin na ikapito mula kay Adan ay nagpahayag mula sa Diyos ng mga bagay na ito na nagsasabing, "Tignan mo, dumarating ang Panginoon na may kasamang sampung libo ng mga banal Niya,
[1:15] para gumawa ng hatol laban sa lahat, at para ikondena ang lahat sa kanila na walang takot sa Diyos patungkol sa lahat ng mga gawang masasama na ginawa nila laban sa Diyos, at patungkol sa lahat ng mabibigat na bagay na sinabi laban sa Kanya ng mga makasalanang walang takot sa Diyos.
[1:16] Sila ay mga mapagbulong, mga reklamador na lumalakad ayon sa mga masasamang hilig nila, at ang kanilang mga bibig ay nagsasalita ng mga kalabisan, na nagpapakita ng paghanga sa mga personalidad alang-alang sa sariling kapakinabangan.
[1:17] Pero kayo, mga minamahal, alalahanin niyo ang mga salita na sinabi na noon pa sa pamamagitan ng mga mensahero ng ating Panginoong Jesu Kristo;
[1:18] dahil sinabi nila sa inyo na sa huling araw ay lilitaw ang mga mangungutya, na lalakad ayon sa kanilang masasamang hilig.
[1:19] Sila ito na hinihiwalay ang mga sarili, mga taong makalaman, hindi taglay ang Espiritu.
[1:20] Pero kayo, mga minamahal, ay tumitibay ang mga sarili sa pananampalataya niyong banal sa pamamagitan ng pananalangin sa Banal na Espiritu,
[1:21] Ingatan niyo ang mga sarili niyo sa pag-ibig ng Diyos, habang tinatanggap ang awa ng ating Panginoong Jesu Kristo na hahantong sa Buhay na walang hanggan.
[1:22] At maawa kayo sa ilan na talagang nagdududa:
[1:23] ang iba naman ay iligtas niyo ng may takot, habang kinukuha sila mula sa apoy; at inaayawan ang damit na nadungisan ng laman.
[1:24] Ngayon, sa Kanya na may kapangyarihan na ingatan kayo mula sa pagkakadapa, at maitayo ng walang dungis sa presensya ng kaluwalhatian Niya ng may matinding kagalakan.
[1:25] Sa nag-iisang matalinong Diyos na ating Tagapagligtas ang kaluwalhatian, at kadakilaan, kapangyarihan at awtoridad, parehong ngayon at magpakailanman. Amen.