-
Notifications
You must be signed in to change notification settings - Fork 2
/
Copy path18 Filemon
25 lines (25 loc) · 3.02 KB
/
18 Filemon
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
[1:1] Si Pablo, isang bilanggo ni Kristo Jesus, at ang kapatid na si Timoteo, para kay Filemon na ating minamahal at kapwa manggagawa,
[1:2] at sa minamahal na Apia at Arquipo na kapwa sundalo namin, at sa konggregasyon na nasa bahay mo.
[1:3] Kagandahang-loob sa inyo at kapayapaan mula sa Diyos Ama natin, at sa Panginoong Jesu Kristo.
[1:4] Nagpapasalamat ako sa aking Diyos, lagi kang binabanggit sa gitna ng aking mga panalangin,
[1:5] habang naririnig ang iyong pag-ibig at ang pananampalataya na mayroon ka tungo sa Panginoong Jesus, at tungo sa lahat ng mga banal,
[1:6] para ang pagbabahagi ng pananampalataya mo ay maging mabisa sa pamamagitan ng pagkilala ng bawat kabutihan na nasa inyo patungkol kay Kristo Jesus.
[1:7] Mayroon kasi kaming malaking kagalakan at kaginhawahan dahil sa pag-ibig mo. Dahil ang saloobin ng mga banal ay napanatag dahil sa iyo, kapatid.
[1:8] Kaya naman, kahit pa malaki ang kalayaan ko kay Kristo na utusan ka kung ano ang nararapat,
[1:9] alang-alang sa pag-ibig ay mas gugustuhin ko na lang makiusap sa iyo, yamang ikaw ay parehas kay Pablo na matanda na at ngayon, isa na ring bilanggo ni Jesu Kristo.
[1:10] Nakikiusap ako sa iyo para kay Onesimo na aking anak, na aking iniluwal sa gitna ng aking pagkakakulong:
[1:11] na noon ay di kapaki-pakinabang sa iyo, pero ngayon ay kapaki-pakinabang na sa iyo at sa akin:
[1:12] na aking muling ipinadala: na siya ay iyong tanggapin, samakatuwid, ang aking puso:
[1:13] na ibig ko sanang panatilihing kasama ko para bilang kapalit mo ay mapaglingkuran niya ako sa loob ng kulungan ng Masayang Balita.
[1:14] Pero wala akong ibig na gawin nang hindi mo nalalaman; para ang kabutihan mo ay hindi maging sapilitan, kundi ayon sa bukal na kalooban.
[1:15] Dahil marahil ang dahilan bakit siya ay nawalay ng ilang panahon ay para mapasaiyo siya ng walang katapusan;
[1:16] hindi na bilang isang alipin kundi higit pa sa alipin, isang minamahal na kapatid, lalo na sa akin, at gaano pa kaya sa iyo, parehong sa laman, at sa Panginoon?
[1:17] Kaya't kung ako ay itinuturing mo bilang isang kasangga, tanggapin mo siya para sa akin.
[1:18] At kung nagawan ka niya ng anumang kamalian, o nautangan ka niya, sa akin mo na iyon singilin.
[1:19] Akong si Pablo ang nagsulat sa sarili kong kamay; ako ang magbabayad, para di ko na sabihin sa iyo na kahit ang iyong sariling buhay ay utang mo sa akin.
[1:20] Oo, kapatid, ako nawa ay makaranas ng kagalakan sa Panginoon galing sa iyo: panariwain mo ang aking kalooban sa Panginoon.
[1:21] Sumulat ako sa iyo dahil tiwala ako sa iyong pagsunod. Alam ko na gagawin mo ang higit pa sa sinasabi ko.
[1:22] At karagdagan dito ay ipaghanda mo rin ako ng matutuluyan: dahil tiwala ako na sa pamamagitan ng mga panalangin mo ay maipagkakaloob ako sa inyo.
[1:23] Binabati ka ni Epafras na kapwa ko bilanggo kay Kristo Jesus;
[1:24] nina Marcus, Aristarko, Dimas, Lucas na aking mga kamanggagawa.
[1:25] Ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Jesu Kristo ay suma inyong espiritu. Amen. Isinulat para kay Filemon mula sa Rome sa pamamagitan ni Onesimus na isang lingkod.