-
Notifications
You must be signed in to change notification settings - Fork 2
/
Copy path17 Tito
46 lines (46 loc) · 7.02 KB
/
17 Tito
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
[1:1] Pablo, isang alipin ng Diyos, at isang mensahero ni Jesu Kristo ayon sa pananampalataya ng mga hinirang ng Diyos, at kaalaman ng katotohanan na batay sa pagmamahal sa Diyos.
[1:2] Sa pag-asa ng Buhay na walang hanggan na ipinangako ng Diyos na di nagsisinungaling bago pa ang panahong magpakailanman.
[1:3] Pero Kanyang ipinahayag ang Salita Niya sa Kanyang itinakdang panahon sa pamamagitan ng pangangaral na naipagkatiwala sa akin ayon sa utos ng Diyos na ating Tagapagligtas;
[1:4] Kay Tito na totoong anak ayon sa kaisang pananampalataya: kagandahang-loob, awa, kapayapaan mula sa Diyos Ama, at sa Panginoong Jesu Kristo na ating tagapagligtas.
[1:5] Ito ang dahilan kung bakit kita iniwanan sa Crete, para maisaayos mo ang mga kakulangan at makapagtalaga ka sa bawat lungsod ng mga punong-lingkod sa paraan na ibinilin ko sa iyo:
[1:6] kung sinuman ay hindi makikitaan ng kamalian, lalaking asawa ng nag-iisang babae, na may mga anak na mananampalataya, na walang kaso ng pagrerebelde o kawalang disiplina.
[1:7] Nararapat kasi sa isang tagapangasiwa na hindi makitaan ng kamalian bilang isang katiwala ng Diyos; hindi ang gusto ay siya lagi ang nasusunod, hindi magagalitin, hindi lasenggo, hindi palaaway, hindi mukhang pera,
[1:8] kundi magiliw sa mga bisita, maibigin sa mabuti, may matinong kaisipan, matuwid, banal, may pagpipigil sa sarili;
[1:9] nananangan sa tapat na Salita ayon sa doktrina, para magawa niyang parehong patatagin at ituwid sa pamamagitan ng maayos na pagtuturo ang mga sumasalungat.
[1:10] Marami kasi sila na mga matitigas ang ulo, at mga nagsasalita ng walang katuturan, at mga manloloko lalu na iyong galing sa partido ng mga tuli,
[1:11] na kailangang patigilin ang mga bibig, na sumisira ng buong mga pamilya, nagtuturo ng mga bagay na hindi nararapat alang-alang sa masamang pakinabang.
[1:12] Sinabi ng isa sa kanila na sarili nilang propeta, "Ang mga taga Crete ay laging sinungaling, mababangis na hayop, matatakaw na mga tamad."
[1:13] Ang testimonyang ito ay totoo. Sa dahilang ito ay malupit mo silang sawayin, para sila ay umayos sa pananampalataya.
[1:14] Huwag nilang pakikinggan ang mga imbentong istorya ng mga Judio, at ang mga kautusan ng mga tao, na lumiliko sa katotohanan.
[1:15] Sa malilinis, talagang ang lahat ng bagay ay malinis. Pero sa marurumi, at hindi nananalig ay walang malinis; dahil kahit ang kaisipan at ang konsensya nila ay marumi rin.
[1:16] Lantaran silang nagsasabi na kilala nila ang Diyos; pero sa mga gawa Siya ay itinatakwil nila, kasuklam-suklam sila, at mga suwail, at palyado sa lahat ng mabubuting gawa.
[2:1] Pero ikaw, magsalita ka ng mga bagay na alinsunod sa maayos na doktrina.
[2:2] Ang mga may edad na lalake ay huwag maging mga lasenggo, sa halip ay maging kagalang-galang, matino ang pag-iisip, mahusay sa pananampalataya, sa pagmamahal, sa pagtitiis.
[2:3] Gayundin naman ang mga may edad na kababaihan, na umasal ng naaayon sa kabanalan, hindi mga chismosa, hindi mga alipin ng sobrang pag-inom, mga tagapagturo ng kabutihan;
[2:4] nang maturuan nila ang mga kabataang babae na maging mapagpigil sa sarili, nagmamahal sa asawang lalake, na maging mapagmahal sa mga anak,
[2:5] matitino, malinis ang mga pamumuhay, mga tagapag-alaga ng tahanan, mabubuti, nagpapasakop sa sarili nilang mga asawa, nang sa ganun ay hindi mapulaan ang Salita ng Diyos.
[2:6] Ang mga kabataang lalake, sa ganitong paraan rin, ay himukin niyong maging mapagpigil sa sarili.
[2:7] Ipakita mong isang halimbawa ang sarili mo sa lahat ng bagay ng mga mabubuting gawa; patungkol sa doktrina; na walang panloloko, marangal, may integridad,
[2:8] maayos sa pagsasalita, iyong hindi maaaring kondenahin; para siya na sumasalungat ay magkaroon ng hiya, at walang masabing masama patungkol sa inyo.
[2:9] Ang mga alipin ay magpasakop sa mga sarili nilang panginoon sa lahat ng bagay, maging kalugod-lugod, hindi pabalang sumagot;
[2:10] hindi nangungupit, kundi nagpapakita sa lahat ng katapatan na may kasiyahan; na sila ay mapalamutian sa katuruan ng Diyos na ating Tagapagligtas sa lahat ng bagay.
[2:11] Dahil ang kagandahang-loob ng Diyos na nagdadala sa kaligtasan ay nagpakita na sa lahat ng tao,
[2:12] nagtuturo sa atin na itakwil ang kawalang respeto sa Diyos at ang mga makamundong pagnanasa, para makapamuhay tayo ng may pagpipigil sa sarili, at ng may katuwiran, at ng may pagmamahal sa Diyos, sa panahong kasalukuyan;
[2:13] naghihintay sa mapagpalang pag-asa at sa maningning na pagpapakita ng dakilang Diyos, at ating Tagapagligtas na si Jesu Kristo;
[2:14] na nagbigay ng sarili Niya para sa atin, para matubos Niya tayo mula sa lahat ng kasamaan, at para malinis sa sarili Niya ang isang kakaibang bayan na nag-aalab sa mabubuting mga gawa.
[2:15] Ang mga bagay na ito ang sabihin mo, at ipakiusap mo, at ipangsaway mo ng may buong awtoridad. Huwag mong hayaang laitin ka ninuman.
[3:1] Ipaalala mo sa kanila na magpasakop sa mga pangulo at mga awtoridad, na maging masunurin, na maging handa sa lahat ng mabuting gawa,
[3:2] na huwag magsalita ng masama kaninuman, hindi palaaway, na maging mahinahon, nagpapakita ng buong kaamuhan sa lahat ng tao.
[3:3] Dahil tayo ay minsan ring naging mga hangal, mga suwail, naliligaw, mga alipin ng mga kahalayan, at iba't ibang pagnanasa, namumuhay sa paghahangad na manira, at pagka-inggit, kinamumuhian, at namumuhi sa isa't isa.
[3:4] Pero nang ang kabaitan at ang pag-ibig sa tao ng Diyos na ating tagapagligtas ay nagpakita,
[3:5] hindi batay sa mga makatuwirang gawain na nagawa natin, kundi alinsunod sa Kanyang awa ay iniligtas Niya tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas ng muling pagsilang, at pagbabago na mula sa Banal na Espiritu;
[3:6] na ibinuhos Niya sa atin ng masagana sa pamamagitan ni Jesu Kristo na ating Tagapagligtas;
[3:7] para matapos gawing matuwid sa Kanyang kagandahang-loob, tayo ay maging mga tagapagmana ayon sa pag-asa ng Buhay na walang hanggan.
[3:8] Matapat itong salita, at gusto kong panindigan mo ang patungkol sa bagay na ito, para silang nanalig sa Diyos ay maingat na panatilihin ang mabubuting gawa. Ang mga bagay na ito ay mabuti at kapakipakinabang sa mga tao.
[3:9] Pero iwasan mo ang mga walang katuturang mga katanungan, at mga listahan ng mga henerasyon, at mga alitan, at mga pagtatalo-talo patungkol sa Batas; dahil ang mga ito ay mga walang pakinabang at mga walang kabuluhan.
[3:10] Iwasan niyo ang taong heretiko matapos ang una at ikalawang pagtutuwid.
[3:11] Yamang alam mo na ang isang ito ay nabaluktot, at nagkakasala, na siyang nagkondena sa sarili niya.
[3:12] Kapag naipadala ko si Artemas sa iyo, o si Tiquico, bilisan mong pumunta sa akin sa Nicopolis, dahil doon ko planong manatili sa taglamig.
[3:13] Ihatid mo agad si Zenas na abogado, at si Apollo, para wala sa kanila ang magkulang.
[3:14] At pag-aralan din ng mga taga sa atin na manatili sa mabubuting gawa para matugunan ang mga pangangailangan, para maging mabunga sila.
[3:15] Binabati ka ng lahat ng mga kasama ko. Batiin mo ang mga nagmamahal sa atin sa pananampalataya. Ang kagandahang-loob ay suma inyong lahat. Amen. Isinulat mula sa Nicopolis ng Macedonia kay Tito na piniling unang tagapangasiwa ng konggregasyon sa mga taga Cretia.