-
Notifications
You must be signed in to change notification settings - Fork 2
/
Copy path06 Sa Mga Romano
433 lines (433 loc) · 65.1 KB
/
06 Sa Mga Romano
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
136
137
138
139
140
141
142
143
144
145
146
147
148
149
150
151
152
153
154
155
156
157
158
159
160
161
162
163
164
165
166
167
168
169
170
171
172
173
174
175
176
177
178
179
180
181
182
183
184
185
186
187
188
189
190
191
192
193
194
195
196
197
198
199
200
201
202
203
204
205
206
207
208
209
210
211
212
213
214
215
216
217
218
219
220
221
222
223
224
225
226
227
228
229
230
231
232
233
234
235
236
237
238
239
240
241
242
243
244
245
246
247
248
249
250
251
252
253
254
255
256
257
258
259
260
261
262
263
264
265
266
267
268
269
270
271
272
273
274
275
276
277
278
279
280
281
282
283
284
285
286
287
288
289
290
291
292
293
294
295
296
297
298
299
300
301
302
303
304
305
306
307
308
309
310
311
312
313
314
315
316
317
318
319
320
321
322
323
324
325
326
327
328
329
330
331
332
333
334
335
336
337
338
339
340
341
342
343
344
345
346
347
348
349
350
351
352
353
354
355
356
357
358
359
360
361
362
363
364
365
366
367
368
369
370
371
372
373
374
375
376
377
378
379
380
381
382
383
384
385
386
387
388
389
390
391
392
393
394
395
396
397
398
399
400
401
402
403
404
405
406
407
408
409
410
411
412
413
414
415
416
417
418
419
420
421
422
423
424
425
426
427
428
429
430
431
432
433
[1:1] Pablo, alipin ni Jesu Kristo, tinawag bilang mensahero, tinalaga para sa Masayang Balita ng Diyos,
[1:2] na Kanyang ipinangako noon pa man sa pamamagitan ng mga propeta Niya na nakapaloob sa mga kasulatang banal.
[1:3] Patungkol sa Kanyang Lalaking Anak na ayon sa laman ay binuo mula sa binhi ni David,
[1:4] na itinalaga bilang Anak ng Diyos nang may kapangyarihan sangayon sa Espiritu ng Kabanalan, sa pamamagitan ng pagbangon mula sa mga patay, si Jesu Kristo na Panginoon natin.
[1:5] Dahil sa Kanya ay tumanggap tayo ng kagandahang-loob at komisyon sa depensa ng pangalan Niya, para sa pagsunod sa pananampalataya ng lahat ng mga bansa,
[1:6] kung saan ay kabilang rin kayo sa mga tinawag ni Jesu Kristo.
[1:7] Sa lahat ng mga nasa Rome na minamahal ng Diyos, piling mga banal: Kagandahang-loob sa inyo at kapayapaan mula sa Diyos Ama natin, at sa Panginoong Jesu Kristo.
[1:8] Una, dahil sa inyong lahat, ay talagang pinasasalamatan ko ang Diyos ko sa pamamagitan ni Jesu Kristo, dahil ang pananampalataya niyo ay balitang-balita sa buong mundo.
[1:9] Dahil ang Diyos na aking pinaglilingkuran sa espiritu ko, sa pamamagitan ng Masayang Balita ng Kanyang Anak, ay testigo ko kung paanong walang humpay ko kayo binabanggit
[1:10] lagi sa mga panalangin ko na humihiling na kung pwede ay sa anumang panahon ngayon ay matagumpay akong bumiyahe papunta sa inyo ayon sa kalooban ng Diyos.
[1:11] Dahil sabik na akong makita kayo para may maibigay ako sa inyo na ilang kaloob na espirituwal para sa ikatatatag niyo.
[1:12] At saka ito pa, na sama-samang makipagpalakasan sa piling niyo sa pamamagitan ng pananampalataya ng isa't isa, parehong sa inyo at sa akin.
[1:13] Pero hindi ko gusto na di niyo malaman, mga kapatid, na maraming beses na pinagplanuhan ko na pumunta sa inyo at napigilan hanggang sa puntong ito, para naman magkaroon din ako ng ilang bunga mula sa inyo katulad rin sa ibang mga bansa.
[1:14] Pareho kong pinagkakautangan ang mga Griyego at ang mga Barbaro, ang mga matatalino gayundin ang mga mangmang.
[1:15] Kaya naman handa rin akong ideklara ang Masayang Balita sa inyong mga nasa Rome.
[1:16] Dahil hindi ko ikinahihiya ang Masayang Balita ni Kristo, dahil ito ang kapangyarihan ng Diyos na nagreresulta sa kaligtasan ng bawat isang nananalig, una sa mga Judio, at gayundin sa mga Griyego.
[1:17] Dahil nakapaloob rito ang katuwiran ng Diyos na nahahayag mula sa pananalig patungo sa pananalig: kung paanong naisulat, "At ang matuwid ay mabubuhay mula sa pananalig."
[1:18] Dahil ang galit ng Diyos ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat ng kasamaan at kawalang katuwiran ng mga tao na ginagamit sa di makatarungan ang hawak nilang katotohanan.
[1:19] Sapagkat ang bagay na nagpapakilala sa Diyos ay hayag sa kanilang kalagitnaan, dahil ipinahayag ito sa kanila ng Diyos.
[1:20] Dahil ang mga bagay na di nakikita mula sa Kanya, ang Kanyang walang hanggang kapangyarihan gayundin ang pagiging Diyos, mula pa nang likhain ang mundo, ay malinaw na malinaw na ipinauunawa ng mga bagay na ginawa. Kaya naman, wala na silang maidadahilan.
[1:21] Kahit pa kilala nila ang Diyos, Siya ay hindi nila pinarangalan bilang Diyos, o pinasalamatan man lang, sa halip ay naging mga hangal sa kanilang mga kaisipan, at ang puso nila na walang pang-unawa ay napuno ng lagim.
[1:22] Sa pagsasabing marurunong sila, sila ay naging mga hangal.
[1:23] At binago nila ang kaluwalhatian ng walang kabulukang Diyos sa wangis ng imahen ng nabubulok na tao, at ng mga ibon, pati ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga reptilya.
[1:24] Kaya rin naman ay isinuko sila ng Diyos sa hilig ng mga puso nila na nagresulta sa kahayupan, para mababoy ang mga katawan nila sa kani-kanilang mga sarili.
[1:25] Binago nila na maging kasinungalingan ang katotohanan ng Diyos, at sinamba saka pinaglingkuran ang bagay na nilikha sa harapan ng Lumikha na Siyang kapuri-puri magpakailanman. Amen.
[1:26] Dahil dito ay isinuko sila ng Diyos sa mga kahiya-hiyang gawain, maski na kasi ang mga kababaihan nila ay binago ang likas na pagnanasa nila tungo sa bagay na di sang-ayon sa kalikasan.
[1:27] Gayundin naman ang mga kalalakihan na iniwan ang natural na pagnanasa para sa mga kababaihan ay nag-apoy sa kanilang pagnanasa sa isa't isa, lalake sa lalake, yung kahiya-hiya pa ang ginagawa kaya naman tumatanggap sa kanilang mga sarili ng kaparusahan na angkop sa kanilang pagkakamali.
[1:28] At matapos nilang pagpasyahan na di nararapat na panatilihin ang Diyos sa kanilang kaalaman, isinuko sila ng Diyos sa di matinong pag-iisip para gawin ang mga bagay na hindi nararapat.
[1:29] Napuno sila ng lahat ng klase ng kawalang katarungan, pakikipagtalik sa di asawa, kasamaan, kasakiman, masasamang motibo, puno ng inggit, pamamaslang, pakikipag-away, kasinungalingan, masasamang ugali; mga tsismoso,
[1:30] mga maninirang puri, mga galit sa Diyos, mga walang galang, mga mayayabang, mga impostor, mga pasimuno ng kasamaan, di sumusunod sa mga magulang,
[1:31] mga walang pang-unawa, mga di maaasahan, mga manhid, mga mahirap makasundo, mga walang-awa:
[1:32] na sa kabila na alam na nila ang katuwiran ng Diyos, na silang mga gumagawa ng mga bagay na ganito ay karapat-dapat sa parusang kamatayan, ay di lamang gumagawa ng mga ito, kundi ay pinapalakpakan pa nila ang mga gumagawa ng mga ito.
[2:1] Kaya naman wala kang maidadahilan, O tao, sino ka mang humuhusga, dahil habang hinuhusgahan mo ang iba ay kinokondena mo ang iyong sarili, dahil ikaw na nanghuhusga ay parehas ding gumagawa ng mga ito.
[2:2] Pero alam natin na ang paghatol ng Diyos ay naaayon sa katotohanan laban sa kanila na gumagawa ng mga ito.
[2:3] At iniisip mo ba ito, O tao, na kung ikaw ay nanghuhusga sa mga gumagawa ng ganitong mga bagay at ika'y gumagawa rin ng mga ito na makakatakas ka sa hatol ng Diyos?
[2:4] O kinamumuhian mo ang laki ng kabutihan Niya, at ng pang-unawa, at ng pasensya na hindi nalalaman na ang kabutihan ng Diyos ay umaakay sa iyo tungo sa pagbabago?
[2:5] Subalit dahil sa katigasan ng ulo mo at kawalan ng pagbabago ng isip ay nag-iipon ka para sa sarili mo ng galit sa araw ng galit at pagpapakita ng matuwid na hatol ng Diyos
[2:6] na Siyang magbabayad sa bawat isa ng katumbas sa mga ginawa niya.
[2:7] Buhay na walang hanggan para sa ilan na sa pamamagitan ng pagititiyaga sa paggawa ng mabuti ay naghahangad ng kaluwalhatian at karangalan at kawalang kamatayan,
[2:8] pero galit at poot para sa ilang nanlalaban at sumusuway sa katotohanan, at sumusunod sa di matuwid.
[2:9] Ang kagipitan at matinding kahirapan ay para sa bawat kaluluwa ng tao na gumagawa ng kasamaan, una sa Judio, gayundin sa Griyego.
[2:10] Pero ang kaluwalhatian at karangalan, at kapayapaan ay para sa bawat isang gumagawa ng kabutihan, una sa Judio gayundin sa Griyego.
[2:11] Dahil walang kinikilingan ang Diyos.
[2:12] Dahil lahat ng nagkasala na walang alam sa Batas ay mapapahamak rin ng hiwalay sa Batas. At lahat ng nagkasala sa ilalim ng Batas ay hahatulan sa pamamagitan ng Batas.
[2:13] Dahil hindi ang nakikinig sa Batas ang matuwid sa harap ng Diyos, sa halip ang mga nagsasagawa ng Batas ang siyang ituturing na matutuwid
[2:14] (Dahil kapag ang mga hentil na walang alam sa Batas ay likas na gumagawa ng mga bagay na naaayon sa Batas, ang mga ito, kahit na wala silang alam sa Batas, ay isang Batas sa kanilang mga sarili
[2:15] na ipinapakita ang gawain ng Batas na nakasulat sa loob ng mga puso nila na nagpapatotoo sa kanilang konsensya. At ang mga pangangatwirang ito ang nag-aakusa o kaya ay nagtatanggol sa pagitan ng isa't isa.)
[2:16] isang araw kapag hinatulan ng Diyos ang mga sekreto ng mga tao ayon sa Masayang Balita ko sa pamamagitan ni Jesu Kristo.
[2:17] Pansinin mo, ikaw ay tinatawag na Judio at nananangan sa Batas, at nagyayabang patungkol sa Diyos,
[2:18] at nalalaman ang kalooban Niya, at napatutunayan ang mga bagay na mahusay yamang naturuan ka mula sa Batas;
[2:19] at kumbinsido ka sa sarili mo na isa kang gabay sa bulag, isang liwanag sa mga nasa gitna ng dilim,
[2:20] tagapagturo sa mga mangmang, guro ng mga bata, nagtataglay ng itsura ng kaalaman at ng katotohanan na nasa Batas.
[2:21] Ang totoo niyan, ikaw na nagtuturo sa iba, hindi mo tinuturuan ang sarili mo. Ikaw na nangangaral na huwag magnakaw, ang siyang nagnanakaw.
[2:22] Ikaw na nagsasabing huwag makiapid, ikaw ang siyang nakikiapid. Ikaw na nasusuklam sa mga rebultong diyos-diyosan ang siya namang mandarambong sa loob ng mga simbahan.
[2:23] Ikaw na nagyayabang patungkol sa Batas, sa pamamagitan ng paglabag sa Batas ay ikinahihiya mo ang Diyos.
[2:24] "Dahil sa pamamagitan niyo ang pangalan ng Diyos ay iniinsulto sa gitna ng mga bansa," ayon sa nakasulat.
[2:25] Dahil talagang may pakinabang sa pagtutuli kung ginagawa mo ang Batas, pero kung di mo sinusunod ang Batas ang pagiging tuli mo ay naging hindi pagiging tuli.
[2:26] Kaya kung sa di pagiging tuli ay natutupad niya ang katuwiran ng Batas, hindi ba ang di niya pagiging tuli ay maituturing na pagiging tuli?
[2:27] At hahatulan ka niya na bagaman hindi tuli ay tumutupad sa Batas mula sa kalikasan, ikaw na sa pamamagitan ng kasulatan at pagiging tuli ay lumalabag naman sa Batas.
[2:28] Dahil ang pagiging Judio ay hindi nasa panlabas, ni ang pagtutuli ay nasa panlabas, sa laman,
[2:29] kundi, ang isang Judio ay iyong nakatago sa loob, at ang pagtutuli ay sa puso, sa espiritu, hindi sa Kasulatan kung saan ang komendasyon ay hindi mula sa tao, kundi mula sa Diyos.
[3:1] Kaya't ano ang lamang ng Judio o ano ang pakinabang ng pagiging tuli?
[3:2] Malaki sa iba't ibang paraan. Una, dahil totoong napagkatiwalaan sila sa mga kapahayagan ng Diyos.
[3:3] Ano naman kung hindi naniwala ang ilan? Hindi ba mapapawalang bisa ng kawalang katapatan nila ang katapatan ng Diyos?
[3:4] Imposible! Totoo pa rin ang Diyos, maging sinungaling man ang bawat isang tao. Tulad sa nakasulat, "Upang Ikaw ay masabing matuwid sa mga salita Mo, at magwagi Ka kapag Ikaw ay hinuhusgahan."
[3:5] Pero kung ang ating pagiging di matuwid ay pumapabor sa katuwiran ng Diyos, ano ang masasabi natin? Hindi ba't walang katarungan ang Diyos na nagbabanta ng kaparusahan? (Nagsasalita ako bilang tao.)
[3:6] Imposible! Kung ganun, papaano hahatulan ng Diyos ang mundo?
[3:7] Dahil kung ang katotohanan ng Diyos ay nananagana sa pamamagitan ng aking kasinungalingan tungo sa kaluwalhatian Niya, bakit pa rin ako hinahatulan bilang isang makasalanan?
[3:8] At hindi ayon sa paratang ng paninira sa amin, at ayon sa ilang sumasang-ayon na sinasabi raw naming, "Gumawa tayo ng masasamang bagay para mangyari ang mabubuti." Sila ay nararapat lang na tumanggap ng kaparusahan.
[3:9] Ano ngayon? Mas magaling ba kami? Hindi sa anumang paraan. Dahil napatunayan namin na lahat ay nasa ilalim ng kasalanan, ang mga Judio gayundin ang mga Griyego.
[3:10] Tulad ng nakasulat na, "Walang matuwid, wala ni isa:
[3:11] Walang nakakaunawa, walang naghahanap sa Diyos.
[3:12] Lahat sila ay naligaw ng landas, sama-sama silang narumihan; wala nang gumagawa ng kabutihan, wala ni isa.
[3:13] Ang lalamunan nila ay mga bukas na libingan; ang mga dila nila ay ginagamit nila sa panloloko; ang kamandag ng mga ulupong ay nasa ilalim ng mga labi nila:
[3:14] Puno ng pagmumura at kapaitan ang mga bibig nila:
[3:15] Mabilis ang mga paa nila na magpadanak ng dugo:
[3:16] Nasa daanan nila ang pagkawasak at kalamidad:
[3:17] At hindi nila alam ang daanan sa kapayapaan:
[3:18] Wala sa harapan ng mga mata nila ang takot sa Diyos."
[3:19] Ngayon alam natin na anumang sinasabi ng Batas ay sinasabi sa mga nasa ilalim ng Batas, para bawat bibig ay manahimik, at ang buong mundo ay mapasailalim ng paghahatol ng Diyos.
[3:20] Kaya sa pamamagitan ng mga pinagagawa sa Batas ay hindi magiging matuwid ang lahat ng tao sa harap Niya: dahil sa pamamagitan ng Batas nakakamit ang kaalaman sa kasalanan.
[3:21] Pero ngayon ay lumabas na ang katuwiran ng Diyos na hiwalay sa Batas, na pinatutunayan sa ilalim ng Batas at ng mga Propeta.
[3:22] Samakatuwid, ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig kay Jesu Kristo, tungo sa lahat at para sa lahat ng mga nananalig: dahil wala naman siyang pagkakaiba:
[3:23] sapagkat lahat ay nagkasala, at nabigong makamit ang kaluwalhatian ng Diyos.
[3:24] Yamang tayo ay itinuring na matuwid ng walang bayad, dahil sa Kanyang kagandahang-loob sa pamamagitan ng katubusan na na kay Kristo Jesus
[3:25] na itinalaga ng Diyos bilang Luklukan ng Awa sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang dugo, bilang pagpapakita ng katuwiran Niya, para sa ikapagpapatawad ng mga nakalipas na mga kasalanan,
[3:26] dala ng pagtitiis ng Diyos; para maipakita ang katuwiran Niya sa kasalukuyang panahon: para Siya ay ituring na matuwid at nagbibigay katuwiran sa kanya na kabilang sa pananampalataya ni Jesus.
[3:27] Kaya nasaan ang pagyayabang? Nawala na. Sa pamamagitan ng anung batas? ng pagtatrabaho? Hindi. Sa halip ay sa pamamagitan ng batas ng pananampalataya.
[3:28] Kaya't tayo ay naninindigan na sa pananampalataya nagiging matuwid ang isang tao, hiwalay sa mga pinagagawa ng Batas.
[3:29] Siya ba ay Diyos lamang ng mga Judio? Hindi ba't pati rin ng mga taga ibang bansa? Tama, pati rin ng mga taga ibang bansa.
[3:30] Yamang nakikita natin na iisa ang Diyos na magbibigay-katuwiran sa mga tuli mula sa pananampalataya at sa mga di-tuli sa pamamagitan ng pananampalataya.
[3:31] Pinawawalang-bisa ba natin ngayon ang Batas sa pamamagitan ng pananampalataya? Imposible! Sa halip ay itinataguyod pa nga natin ang Batas.
[4:1] Ano ngayon ang masasabi natin ang nakamtan ng ating amang si Abraham ayon sa laman?
[4:2] Dahil kung binatay sa pagtatrabaho ang pagiging matuwid ni Abraham, mayroon siyang dahilan para magyabang, pero hindi sa harapan ng Diyos.
[4:3] Dahil ano ang sinasabi sa Biblia? "At nanalig si Abraham sa Diyos, at itinuos ito sa kanya tungo sa katuwiran."
[4:4] Ngayon, sa kanya na nagtatrabaho, ang sweldo ay hindi natutuos batay sa kagandahang-loob, kundi batay sa pagkaka-utang.
[4:5] Pero sa kanya na hindi nagtatrabaho, kundi ay nananalig sa Kanya na nagbibigay-katuwiran sa masama, ang pananalig niya ay itinutuos tungo sa katuwiran.
[4:6] Kung paanong si David ay nagsasabi rin na mapalad ang taong ginagawaran ng Diyos ng katuwiran na hindi na tinitignan ang mga nagawa,
[4:7] "Mapapalad sila na ang mga pagsuway sa Batas ay napatawad, at sila na ang mga kasalanan ay natakpan.
[4:8] Mapalad ang sinumang hindi na kailanman siningil ng Panginoon sa pagkakasala."
[4:9] Ngayon, ang pagiging mapalad bang ito ay para lamang sa mga tuli o para din sa mga di tuli? Dahil sinasabi natin na ang pananalig ay itinuos kay Abraham bilang katuwrian.
[4:10] Sa anung paraan ngayon ito natuos? Nung siya ba ay nasa ilalim ng pagtutuli o nasa ilalim ng walang pagtutuli? Hindi nasa ilalim ng pagtutuli, kundi nasa ilalim ng walang pagtutuli.
[4:11] At tinanggap niya ang senyales ng pagtutuli, isang tatak ng katuwiran mula sa pananalig na iyon, nang walang pagtutuli: para siya ay maging Ama ng lahat ng mga nananalig sa kabila ng hindi pagiging tuli; (para ang katuwiran ay maigawad rin sa kanila:)
[4:12] at ama ng pagtutuli, sa kanila na hindi lamang kabilang sa mga tuli, kundi sa mga lumalakad rin sa mga yapak ng pananampalataya ng ama nating si Abraham nung siya ay hindi pa natutuli.
[4:13] Dahil ang pangako kay Abraham o sa kanyang binhi na Siya ay maging tagapagmana ng mundo ay hindi dumating sa pamamagitan ng Batas, kundi sa pamamagitan ng katuwiran na batay sa pananalig.
[4:14] Dahil kung ang mga nasa ilalim ng Batas ang mga tagapagmana, balewala na ang pananalig at ang pangako ay wala nang bisa.
[4:15] Dahil ang Batas ay kumikilos tungo sa pagkapoot: dahil saan man walang Batas, doon ay wala ring paglabag.
[4:16] Ang dahilan kaya mula sa pananalig ay para ibatay ito sa kagandahang-loob, upang maging garantisado ang pangako para sa lahat ng binhi; hindi lamang sa mga napabilang sa Batas, kundi sa kanila rin na kabilang sa pananampalataya ni Abraham na siyang ama nating lahat,
[4:17] ayon sa nakasulat na, "Ginawa kitang ama ng maraming bansa," sa harapan ng Diyos na kanyang pinagkatiwalaan, na bumubuhay ng mga patay, at tinatawag ang mga bagay na wala pa na parang ang mga ito ay nandiyan na.
[4:18] Na kahit walang pag-asa ay nanalig siya na may pag-asa na nagresulta sa kanyang pagiging ama ng maraming bansa ayon sa naipahayag, "Ganyan karami ang magiging binhi mo."
[4:19] At dahil hindi nanghina ang pananalig, hindi niya pinansin ang sariling katawan na lupaypay na, nang siya ay 100 taong gulang, pati ang walang buhay na sinapupunan ni Sara.
[4:20] At hindi siya nanlaban sa pag-aalinlangan tungkol sa pangako ng Diyos, sa halip ay lumakas siya sa pananampalataya habang nagbibigay ng karangalan sa Diyos;
[4:21] at lubos na nagtiwala na kaya Niya ring gawin ang ipinangako Niya.
[4:22] Kaya rin naman ay itinuos ito sa kanya tungo sa katuwiran.
[4:23] Pero hindi ito naisulat na, "naituos ito sa kanya," dahil lamang sa kanya;
[4:24] sa halip ay dahil rin sa atin, kung saan ito nakahandang ituos, sa mga nananalig sa Kanya na nagpabangon sa ating Panginoong Jesus mula sa mga patay.
[4:25] Siya ay ipinadampot dahil sa mga pagkakamali natin at ibinangon Siya mula sa patay para sa pagiging matuwid natin.
[5:1] Kaya't matapos na mapawalang-sala mula sa pananalig, mayroon tayong kapayapaan sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu Kristo.
[5:2] Dahil rin sa Kanya ay mayroon tayong kakayanang maranasan, batay sa pananampalataya, ang kagandahang-loob na ito kung saan tayo nakatayo, at ipinagmamalaki natin ang pag-asa ng kaluwalhatian ng Diyos.
[5:3] At hindi lamang ito, kundi ay nagdiriwang rin kami sa gitna ng mga paghihirap, yamang nalalaman natin na ang mga paghihirap ay kumikilos para sa pagkakaroon ng katiyagaan;
[5:4] At ang katiyagaan, subok na pagkatao; at ang subok na pagkatao, pag-asa:
[5:5] At ang pag-asa ay hindi magdadala ng kahihiyan dahil ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos sa loob ng mga puso natin sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na ibinigay sa atin.
[5:6] Dahil noong tayo ay mahihina pa, sa takdang panahon, namatay si Kristo alang-alang sa mga masasama.
[5:7] Dahil bibihira ang isang tao na handang mamatay alang-alang sa isang matuwid. Pero alang-alang sa isang mabuting tao ay baka pa may handang mamatay.
[5:8] Pero pinatunayan sa atin ng Diyos ang Kanyang pag-ibig, nang tayo ay mga makasalanan pa, si Kristo ay namatay alang-alang sa atin.
[5:9] Kaya't lalung-lalo pa, ngayon na napawalang-sala na dahil sa dugo Niya, na maliligtas tayo sa pamamagitan Niya mula sa pagbubuhos ng galit.
[5:10] Dahil kung mga kaaway tayo noon ay naging kaibigan na tayo ng Diyos sa pamamagitan ng kamatayan ng Kanyang Anak, lalung lalo pa ngayong magkaibigan na, na maliligtas tayo sa pamamagitan ng Buhay Niya.
[5:11] At di lamang ito, kundi nagdiriwang rin tayo sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu Kristo, na dahil sa Kanya ay tinanggap natin ngayon itong magandang kaugnayan.
[5:12] Kaya naman, kung papaanong sa pamamagitan ng isang tao ay nakapasok ang kasalanan sa mundo, at sa pamamagitan ng kasalanan, ang Kamatayan; sa ganitong paraan rin dumating ang Kamatayan sa lahat ng tao, dahil ang lahat ay nagkasala.
[5:13] Dahil hangga't may Batas, nasa mundo ang kasalanan. Pero ang kasalanan ay hindi matutukoy kapag walang Batas.
[5:14] Sa kabila nito, naghari ang Kamatayan mula kay Adan hanggang kay Moises, pati sa kanila na hindi nagkasala kamukha ng paglabag ni Adan na isang simbolo ng bagay na darating.
[5:15] Pero sa ganitong paraan rin ay di maikukumpara ang pagkakasala sa biyayang binigay. Dahil kung sa pagkakasala ng isa ay marami ang namatay, lalong higit ang kagandahang-loob ng Diyos at ang biyaya na nasa kagandahang-loob na nag-umapaw papunta sa marami dahil sa iisang tao, si Jesu Kristo.
[5:16] At ang biyaya ay hindi tulad ang paraan sa isa na nagkasala. Ang sentensya kasi ng isa ay talagang nagdulot ng kaparusahan, pero ang kagandahang-loob na ibinigay, sa kabila ng maraming kasalanan, ay nagdulot ng katuwiran.
[5:17] Dahil kung mula sa kasalanan ng isa ay naghari ang Kamatayan sa pamamagitan nitong isa, lalung lalo na ang mga tumatanggap ng nag-uumapaw na kagandahang-loob at ng bigay na katuwiran na maghahari sa Buhay sa pamamagitan ng nag-iisang Jesu Kristo.
[5:18] Kaya naman, kung paano ang pagkakasala ng isa ay nagdulot ng kaparusahan sa lahat ng tao, gayun rin naman dahil sa katuwiran ng isa ay dumating sa lahat ng tao ang kagandahang-loob na nagresulta sa katuwiran ng Buhay.
[5:19] Dahil kung papaanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayun rin naman sa pamamagitan ng pagsunod ng isa marami ang magiging matuwid.
[5:20] Bukod pa rito, ang Batas ay ipinasok para dumami ang paglabag. Pero kung saan dumami ang kasalanan, doon naman nag-umapaw ang kagandahang-loob,
[5:21] para kung paano naghari ang kasalanan sa pamamagitan ng Kamatayan, gayun rin naman ang kagandahang-loob ay naghari sa pamamagitan ng katuwiran na nagresulta sa Buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesu Kristo na ating Panginoon.
[6:1] Ano ngayon ang sasabihin natin? Magpapatuloy pa ba tayo sa kasalanan para ang kagandahang-loob ay mag-umapaw?
[6:2] Imposible! Paano tayo, na namatay na sa kasalanan, ay mamumuhay pa dito?
[6:3] O hindi niyo ba alam na lahat tayo na inilublob kay Kristo Jesus ay inilublob patungo sa kamatayan Niya?
[6:4] Samakatuwid, tayo ay inilibing na kasama Niya sa pamamagitan ng paglulublob sa tubig na nagresulta sa kamatayan, para kung paano nagbangon si Kristo mula sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, sa ganito ring paraan ay makalakad tayo ng may bagong Buhay.
[6:5] Dahil kung nagawa tayong itanim na magkasama kamukha ng kamatayan Niya, gayun din ang mangyayari sa atin sa pagbangon ng mga patay.
[6:6] Ito ang alam natin, na ang luma nating pagkatao ay kasama nang napako sa krus, para ang katawan ng kasalanan ay mawalan ng kapangyarihan, nang hindi na tayo maging alipin pa ng kasalanan.
[6:7] Dahil siya na namatay na ay pinalaya na mula sa kasalanan.
[6:8] Kung ngayon ay namatay na tayo kasama ni Kristo, naniniwala tayong mabubuhay rin tayong kasama Niya.
[6:9] Nalalaman natin na nang si Kristo ay ibinangon mula sa mga patay, hindi na Siya maaaring mamatay; ang kamatayan ay wala nang kapangyarihan laban sa Kanya.
[6:10] Dahil nang mamatay Siya, namatay Siya ng isang beses sa kasalanan. Pero dahil Siya ay nabubuhay, nabubuhay Siya sa Diyos.
[6:11] Sa ganitong paraan rin ay ituring niyo ang inyong mga sarili na talagang patay na sa kasalanan, pero nabubuhay sa Diyos sa pamamagitan ni Kristo Jesus na ating Panginoon.
[6:12] Kaya naman, huwag niyo nang paghariin ang kasalanan sa loob ng katawan niyong mortal para pa sundin ito ayon sa mga pagnanasa nito,
[6:13] ni ihandog ang mga bahagi ng inyong katawan bilang mga instrumento ng kasamaan para sa kasalanan, sa halip ay ihandog niyo ang mga sarili niyo sa Diyos, bilang mga nabubuhay galing sa kamatayan, at ang mga bahagi ng inyong katawan bilang mga instrumento ng katuwiran para sa Diyos.
[6:14] Dahil ang kasalanan ay hindi niyo na magiging panginoon, dahil wala na kayo sa ilalim ng Batas kundi ay nasa ilalim na ng kagandahang-loob.
[6:15] Ano ngayon? Magkakasala pa ba tayo dahil wala na tayo sa ilalim ng Batas kundi ay nasa ilalim na ng kagandahang-loob? Imposible!
[6:16] Hindi niyo ba alam na mga alipin kayo sa kung saan niyo sinusuko ang mga sarili niyo para sumunod? Mga alipin kayo ng bagay na pinakikinggan niyo; ng kasalanan man na nagreresulta sa Kamatayan, o ng pagsunod na nagreresulta sa katuwiran.
[6:17] Pero salamat sa Diyos na kahit pa kayo ay dating mga alipin ng kasalanan ay sumunod na kayo mula sa puso ayon sa halimbawa ng katuruan na hinatid sa inyo.
[6:18] At nang mapalaya na mula sa kasalanan, kayo ay naging mga alipin na ng katuwiran.
[6:19] Nagsasalita ako ayon sa paraan ng tao dahil sa kahinaan ng laman niyo. Dahil kung paano niyo inalay ang mga bahagi ng katawan niyo na maging alipin ng karumihan at ng kawalang respeto sa Batas na nagresulta sa kasamaan; gayundin ngayon ay ihandog niyo ang mga bahagi ng inyong katawan bilang alipin ng katuwiran na nagreresulta sa kabanalan.
[6:20] Dahil nang kayo ay alipin pa ng kasalanan, kayo ay walang kaugnayan sa katuwiran.
[6:21] Anung bunga naman ang mayroon kayo noon mula sa mga bagay na ngayon ay ikinahihiya niyo na, dahil ang kahahantungan ng mga bagay na iyon ay Kamatayan.
[6:22] Pero ngayong napalaya na mula sa kasalanan at naging mga alipin na ng Diyos, ang bunga na mayroon kayo ay nagreresulta sa kabanalan at ang hantungan ay Buhay na walang hanggan.
[6:23] Dahil ang sweldo ng kasalanan ay Kamatayan; pero ang biyayang bigay ng Diyos ay Buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo Jesus na ating Panginoon.
[7:1] O hindi niyo ba alam, mga kapatid, (dahil nagsasalita ako sa mga may alam sa Batas) na ang Batas ay namumuno sa tao sa buong panahon na siya ay nabubuhay?
[7:2] Dahil ang babaing ikinasal ay nakatali sa batas hangga't nabubuhay ang asawang lalake; pero kung mamatay na ang asawang lalake, malaya na siya mula sa batas ng asawang lalake.
[7:3] Kaya naman, hangga't nabubuhay ang asawang lalake siya ay maituturing na nakikiapid kung siya ay mapasakamay ng ibang lalake. Pero kung mamatay na ang asawang lalake, siya ay malaya na mula sa Batas, hindi na siya maituturing na nakikiapid kahit pa mapasakamay siya ng ibang lalake.
[7:4] Kaya naman mga kapatid ko, kayo rin ay namatay na sa Batas sa pamamagitan ng katawan ni Kristo para mapasakamay kayo ng iba, sa Kanya na nagbangon mula sa mga patay para tayo ay mamunga para sa Diyos.
[7:5] Dahil noong tayo ay namumuhay pa sa laman, ang mga masasamang pagnanasa ng kasalanan sa pamamagitan ng Batas ay kumikilos sa loob ng mga bahagi ng ating katawan para magbunga ng Kamatayan.
[7:6] Pero ngayon ay pinalaya na tayo at namatay na mula sa Batas kung saan tayo ay napasakamay, nang sa gayun ay makapaglingkod na tayo ayon sa makabagong paraan ng espiritu, at hindi na ayon sa lumang paraan ng Kasulatan.
[7:7] Ano ngayon ang masasabi natin? Ang Batas ba ay kasalanan? Imposible! Subalit hindi ko nalaman ang kasalanan kundi dahil sa Batas: at dahil hindi ko sana nalaman ang pagnanasa kundi sinabi ng Batas, "Huwag kang magkaroon ng pagnanasa..."
[7:8] Pero ginamit ng kasalanan itong pagkakataon para sa pamamagitan ng kautusan ay gumawa sa kalooban ko ng lahat ng uri ng pagnanasa; dahil patay ang kasalanan kapag walang Batas.
[7:9] Pero sa isang pagkakataon, ako ay nabubuhay na hiwalay Batas: pero pagdating ng kautusan, muling nabuhay ang kasalanan, at namatay ako.
[7:10] At natuklasan ko ang kautusan, na dapat sana ay humahantong sa Buhay, ay nagresulta ngayon sa Kamatayan.
[7:11] Dahil ginamit ng kasalanan itong pagkakataon para sa pamamagitan ng kautusan ay dayain niya ako, at dahil dito ay mapatay niya ako.
[7:12] Kaya naman, ang Batas ay talagang banal, at ang Kautusan ay banal, at matuwid, at mabuti.
[7:13] Ang mabuti ba ngayon ay naging Kamatayan para sa akin? Imposible! Subalit ang kasalanan para magmukhang kasalanan, ay ginamit ang mabuti para magdulot sa akin ng Kamatayan; para ang kasalanan, sa pamamagitan ng Kautusan, ay maging lubos na makasalanan.
[7:14] Dahil alam natin na ang Batas ay espirituwal: pero ako ay makalaman, ipinagbili sa ilalim ng kasalanan.
[7:15] Dahil hindi ko maintindihan ang ginagawa ko: dahil hindi itong gusto ko ang ginagawa ko; sa halip, ang bagay na ayaw ko, ito ang ginagawa ko.
[7:16] Kaya kung hindi itong gusto ko ang ginagawa ko, sumasang-ayon ako na mabuti ang Batas.
[7:17] Kaya sa puntong ito ay hindi na ako ang gumagawa nito; sa halip, ang kasalanan na nakatira sa loob ko.
[7:18] Dahil alam ko na walang nakatira sa loob ko na mabuti (ibig sabihin ay sa loob ng laman ko); dahil mayroon naman akong hangarin pero ang kakayanang gawin ang tama ay hindi ko matagpuan.
[7:19] Dahil ang mabuti na gusto ko ay hindi ko ginagawa: pero ang kasamaan na hindi ko gusto, ito ang ginagawa ko.
[7:20] Pero kung ang ayaw ko ang siya kong ginagawa, hindi na ako ang gumagawa nito, sa halip ang kasalanan na nakatira sa loob ko.
[7:21] Kaya naobserbahan ko ang isang batas na kapag gusto kong gumawa ng mabuti, nandyan na ang masama na nakadikit sa akin.
[7:22] Dahil natutuwa ako sa Batas ng Diyos kung pagbabasihan ang tao na nasa loob.
[7:23] Pero nakikita ko ang isa pang batas sa loob ng mga bahagi ng aking katawan na nakikipaglaban sa batas ng aking kaisipan, at ikinukulong ako nito sa batas ng kasalanan na nasa loob ng mga bahagi ng aking katawan.
[7:24] Ako'y isang kaawa-awang tao! Sino ang magliligtas sa akin mula sa katawan ng Kamatayang ito?
[7:25] Ang Diyos, na aking pinasasalamatan, sa pamamagitan ni Jesu Kristo na ating Panginoon! Kaya naman, ako mismo ay talagang naglilingkod sa batas ng Diyos gamit ang isip; pero gamit ang laman, sa batas ng kasalanan.
[8:1] Kaya naman, ngayon, ay wala nang sentensya ng kaparusahan ang mga na kay Kristo Jesus na hindi na lumalakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu.
[8:2] Dahil ang batas ng Espiritu ng Buhay na na kay Kristo Jesus ay pinalaya na ako mula sa Batas ng kasalanan at ng Kamatayan.
[8:3] Dahil hindi ito kayang gawin ng Batas, sapagkat ito ay mahina sa pamamagitan ng laman. Ang Diyos sa pagpapadala ng Kanyang sariling anak ayon sa wangis ng makasalanang laman, at bilang handog sa kasalanan ay hinatulang maparusahan ang kasalanan sa loob ng laman:
[8:4] para ang katuwiran ng Batas ay matupad sa atin na hindi na lumalakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu.
[8:5] Dahil ang mga lumalakad ayon sa laman ay nakatuon ang atensyon sa mga bagay na para sa laman; pero ang mga lumalakad ayon sa Espiritu, sa mga bagay na para sa espirtu.
[8:6] Dahil ang kaisipan ng laman ay Kamatayan; pero ang kaisipan ng Espiritu ay Buhay at kapayapaan.
[8:7] Dahil ang kaisipan ng laman ay labanan ang Diyos: dahil hindi ito nagpapasakop sa batas ng Diyos, ni hindi rin nito magagawa.
[8:8] Kaya ang mga nasa laman ay hindi kayang magbigay lugod sa Diyos.
[8:9] Pero kayo ay wala sa laman, kundi ay nasa Espiritu, kung tunay na ang Espiritu ng Diyos ay nakatira sa kalooban niyo. Pero kung sinuman ay hindi taglay ang Espiritu ni Kristo, siya ay hindi sa Kanya.
[8:10] Pero kung si Kristo ay nasa loob niyo, bagaman ang katawan ay patay dahil sa kasalanan, buháy naman ang espiritu dahil sa katuwiran.
[8:11] At kung ang Espiritu na nagpabangon kay Jesus mula sa mga patay ay nakatira sa kalooban niyo, ang nagpabangon kay Kristo mula sa mga patay ang Siya ring bubuhay sa mga mortal na katawan niyo sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu na nakatira sa kalooban niyo.
[8:12] Kaya naman mga kapatid, wala tayong obligasyon sa laman, para mamuhay ayon sa laman.
[8:13] Dahil kung namumuhay kayo ayon sa laman, kayo ay nakatakda nang mamatay: pero kung sa pamumuhay ayon sa espiritu ay pinapatay niyo ang mga gawain ng laman, kayo ay mabubuhay.
[8:14] Dahil lahat sila na ginagabayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos.
[8:15] Dahil hindi niyo tinanggap ang espiritu ng pagiging alipin para muling matakot, kundi ay tinanggap niyo ang Espiritu ng pagiging anak at sa pamamagitan Niya ay umiiyak tayo ng, "Tatay, Ama!"
[8:16] Ito ang Espiritu na katulong ng ating espiritung nagbibigay testimonya na tayo ay mga anak ng Diyos.
[8:17] At kung mga anak, ay mga tagapagmana rin; totoong mga tagapagmana ng Diyos, at kasamang tagapagmana ni Kristo; kung totoong tayo ay magkasamang naghihirap, para magkasama rin tayong maparangalan.
[8:18] Dahil ito ang tingin ko sa mga kahirapan sa kasalukuyang panahon, na hindi ito ganung kahalaga kumpara sa karangalan na nakahandang ipahayag sa atin.
[8:19] Dahil ang pinakaaabangan ng nilikha ay ang pinakahihintay na kapahayagan ng mga anak ng Diyos.
[8:20] Dahil ang nilikha ay napasailalim sa kawalang-kabuluhan, hindi dahil sa kagustuhan nito, kundi dahil sa naglagay dito, ayon sa pag-asa
[8:21] na ito rin mismong nilikha ay palalayain mula sa pagkaalipin sa kabulukan patungo sa maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos.
[8:22] Dahil alam natin na lahat ng nilikha ay sama-samang umaatungal at nagdurusa hanggang sa ngayon.
[8:23] Di lamang sila kundi pati rin tayo na taglay ang Unang Ani ng Espiritu. Tayo rin mismo sa mga sarili natin ay umaatungal sa paghihintay na tayo ay kupkupin Niya--ito ang katubusan ng mga katawan natin.
[8:24] Dahil sa pag-asang ito tayo ay naligtas, pero ang pag-asang nakikita na ay hindi na pag-asa: dahil bakit pa ang isa ay aasa sa bagay na nakikita na niya?
[8:25] Pero kung hindi natin nakikita ang inaasahan natin, tayo ay maghihintay ng may katiyagaan.
[8:26] At sa ganitong paraan rin ang Espiritu ay kasamang tumutulong sa mga kahinaan natin, dahil hindi natin alam ang dapat nating ipanalangin ayon sa pangangailangan ng situwasyon: subalit ang Espiritu mismo ang namamagitan para sa atin sa pamamagitan ng mga pagdaing na hindi maipaliwanag.
[8:27] At Siya na humahatol sa mga puso ay nalalaman kung ano ang kaisipan ng Espiritu, dahil Siya ay namamagitan para sa mga banal alinsunod sa Diyos.
[8:28] Pero alam natin na para sa mga nagmamahal sa Diyos, ang lahat ng bagay ay sama-samang kumikilos para sa kabutihan - alinsunod sa Kanyang magandang layunin para sa mga tinawag.
[8:29] Dahil ang mga kinilala niya sa simula pa lang, ay itinalaga rin Niya noon pa man na matulad sa larawan ng Anak Niya, para Siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid.
[8:30] Sa kabilang banda, silang mga itinalaga Niya ay tinawag rin Niya, at silang mga tinawag Niya ay pinawalang-sala rin Niya: at silang mga pinawalang-sala Niya ay pinarangalan rin Niya.
[8:31] Ano ngayon ang masasabi natin sa mga bagay na ito? Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang lalaban sa atin?
[8:32] Yamang nakikita natin na hindi Niya ipinagkait ang sariling Anak, kundi ay isinuko Siya alang-alang sa ating lahat, bakit naman Niya hindi magagawang ipagkaloob sa atin ang lahat ng bagay kasama Niya?
[8:33] Sino ang mag-aakusa laban sa mga pinili ng Diyos? Diyos na ang nagpapawalang-sala.
[8:34] Sino ang magbibigay ng hatol? Si Kristo na ang namatay, at isa pang punto rin, ang nagbangon, na Siya ring nasa kanang kamay ng Diyos, na Siya ring namamagitan para sa atin.
[8:35] Sino ang makapaghihiwalay sa atin mula sa pag-ibig ni Kristo? Mga problema ba, o matitinding kahirapan, o pag-uusig, o taggutom, o kawalan ng damit, o panganib, o kamatayan?
[8:36] Ayon sa nakasulat na, "Alang-alang sa iyo ay buong araw kaming pinapatay; kami ay itinuring gaya ng mga tupa sa katayan."
[8:37] Pero sa kabila ng lahat ng mga ito, tayo ay higit pa sa mananagumpay sa pamamagitan Niya na nagmahal sa atin.
[8:38] Dahil kumbinsido ako na hindi ang kamatayan, ni ang buhay, ni ang mga anghel, ni ang mga matataas na pinuno, ni ang mga kapangyarihan, ni ang mga bagay sa kasalukuyan, ni ang mga bagay sa hinaharap,
[8:39] ni ang mataas, ni ang malalim, ni anupa mang nilikha ang may kakayanan na ilayo tayo mula sa pag-ibig ng Diyos na na kay Kristo Jesus na ating Panginoon.
[9:1] Nagsasabi ako ng totoo sa pamamagitan ni Kristo. Hindi ako nagsisinungaling. Nagpapatotoo sa akin ang konsensya ko sa pamamagitan ng Banal na Espiritu
[9:2] na ako ay may matinding lungkot at walang tigil na kirot sa puso ko.
[9:3] Dahil hinihiling ko para sa sarili ko na isumpa na lang palayo kay Kristo alang-alang sa mga kapatid ko, ang mga kababayan ko ayon sa laman.
[9:4] Sila ay ang mga Israelita kung saan nanggaling ang pagiging anak ng Diyos, at ang kaluwalhatian, at ang mga kasunduan, at ang Batas, at ang paglilingkod, at ang mga pangako.
[9:5] Kung saan nanggaling ang mga ama, at kung saan nanggaling ang Kristo sang-ayon sa laman na Siyang pinakamataas sa lahat, Diyos na kapuri-puri magpakailanman. Amen.
[9:6] Pero hindi dahil sa nabigo ang Salita ng Diyos. Hindi kasi silang lahat na galing kay Israel ay Israel.
[9:7] Hindi rin dahil sila ay binhi ni Abraham, silang lahat ay mga anak: sa halip ay, "kay Isaac tatawagin ang iyong binhi."
[9:8] Ibig sabihin, silang mga anak sa laman ay hindi mga anak ng Diyos; kundi ang mga anak ng Pangako ang siyang maituturing na binhi.
[9:9] Dahil ito ang salita na ipinangako, "Sa ganitong panahon ay darating ako at magkakaroon si Sara ng lalaking anak."
[9:10] At di lamang ito, kundi si Rebecca rin ay nagdalang-tao mula sa iisa, kay Isaac na ama natin.
[9:11] (Dahil hindi pa man naisilang ni nakagawa ng anumang bagay na mabuti o masama ang mga anak, para ang magandang layunin ng Diyos ayon sa eleksyon ay manatiling hindi batay sa pagtatrabaho, kundi batay sa Kanya na tumatawag.)
[9:12] Sinabi sa kanya na, "Ang mas matanda ay maglilingkod sa mas bata."
[9:13] Ayon sa nakasulat, "Si Jacob ay minahal Ko, pero si Esau ay kinamuhian Ko."
[9:14] Ano ngayon ang masasabi natin? May kawalang-katarungan ba sa Diyos? Imposible!
[9:15] Dahil sinabi Niya kay Moises, "Kaaawaan Ko ang sinumang kinaaawaan Ko, at mahahabag Ako sa sinumang kinahahabagan Ko."
[9:16] Kaya naman, hindi batay sa kanya na may gusto ni sa kanya na naghahabol, kundi sa Diyos na nahahabag.
[9:17] Dahil sinasabi ng Biblia kay Paraon, "Dahil rin sa bagay na ito ay pinalaki kita, para maipakita Ko sa pamamagitan mo ang kapangyarihan Ko, at para makilala ang pangalan Ko sa buong daigdig."
[9:18] Kaya naman nagpapakita Siya ng awa sa gusto Niya, at sa kanila na gusto Niyang patigasin ang puso, pinatitigas Niya ang puso.
[9:19] Ngayon naman ay sasabihin mo sa akin, "Bakit pa Siya naghahanap ng mali? Sino naman ang nakatanggi sa kagustuhan Niya?"
[9:20] Sa kabilang banda, sino ka bang sumasagot laban sa Diyos? Ikaw na tao? Hindi dapat magsalita ang ginawa sa gumawa ng, "Bakit mo ako ginawang ganito?"
[9:21] O wala bang karapatan ang gumagawa ng palayok sa luwad na mula sa iisang masa ay gumawa ng isang sisidlan para sa marangal na gamit at isa naman para sa nakakahiya?
[9:22] Pero paano kung sa kagustuhan ng Diyos na ipakita ang galit Niya at ipakilala ang kapangyarihan Niya, ay binuhat Niya ng may masaganang pagtitiyaga ang mga sisidlan ng galit na nararapat para sa pagkawasak:
[9:23] at para maipakilala Niya ang kayamanan ng kaluwalhatian Niya sa mga sisidlan ng awa na inihanda Niya para sa kaluwalhatian,
[9:24] maging sa atin na tinawag Niya hindi lamang mula sa mga Judio kundi mula rin sa ibang mga bansa.
[9:25] Tulad rin sa sinabi Niya sa pamamagitan ni Hosea, "Tatawagin Ko na Aking bayan, ang hindi Ko bayan; at minamahal, siya na hindi minahal.
[9:26] At mangyayari na sa lugar kung saan sinabi sa kanila, "Kayo ay hindi Ko bayan; doon ay tatawagin silang mga anak ng Diyos na buháy."
[9:27] Si Esias rin ay umiiyak patungkol sa Israel, "Kahit pa ang bilang ng mga anak ni Israel ay tulad sa buhangin ng dagat, tira lang ang maliligtas."
[9:28] Dahil ang salita ay tinatapos Niya, at pinaigsi ito ng may katuwiran: dahil pinaigsi ang salitang gagawin ng Panginoon sa ibabaw ng daigdig.
[9:29] At sinabi Niya ayon kay Esias, "Maliban sa ang Panginoon ng mga Hukbo ay nag-iwan sa atin ng binhi, ay naging tulad na sana tayo ng Sodoma, at ginawa na sana tayong kaparehas sa Gomorra."
[9:30] Ano ngayon ang sasabihin natin? Na ang mga dayuhang bansa na hindi naghahabol sa katuwiran ay nakamit ang katuwiran, pero ito ay ang katuwiran na mula sa pananalig.
[9:31] Samantala, ang Israel na humahabol sa Batas ng katuwiran ay hindi pa rin nakaabot sa katuwiran ng Batas.
[9:32] Ano ang dahilan? Dahil hindi nila ito ibinase sa pananalig, kundi ay ibinase sa mga pinagagawa ng Batas. Natisod kasi sila sa Batong nakakatisod.
[9:33] Ayon sa nakasulat, "Tignan mo! Naglalagay Ako sa gitna ng Sion ng isang munting batong nakakatisod, at isang malaking batong nakabubuwal. At bawat isang nananalig sa Kanya ay hindi mapapahiya."
[10:1] Mga kapatid, ang talagang hangarin ng aking puso at ang panalangin ko sa harap ng Diyos para sa Israel ay humantong sila sa kaligtasan.
[10:2] Dahil testigo ako sa kanila na may sigasig sila para sa Diyos, subalit hindi ito nakabatay sa tamang kaalaman.
[10:3] Hindi kasi nila alam ang katuwiran ng Diyos, at sa paghahangad na magtatag ng sarili nilang katuwiran, hindi sila nagpasakop sa katuwiran ng Diyos.
[10:4] Si Kristo kasi ang hangganan ng Batas na nagreresulta sa katuwiran ng bawat isang nananalig.
[10:5] Ipinaliwanag kasi ni Moises ang patungkol sa katuwiran na galing sa Batas, na ang taong magsagawa ng mga ito ay mabubuhay sa pamamagitan ng mga ito.
[10:6] Pero ang katuwiran na galing sa pananalig ay ganito ang sinasabi, "Huwag mong sabihin sa loob ng puso mo, sino ang aakyat papunta sa langit?" (Ibig sabihin ay para pababain si Kristo.)
[10:7] O kaya, "Sino ang bababa papunta sa kaila-ilaliman?" (Ibig sabihin ay para pabalikin si Kristo sa gitna ng mga patay.)
[10:8] Pero ano ba ang sinasabi nito? "Ang Salita ay malapit sa iyo, nasa bibig mo, at nasa puso mo:" ibig sabihin ay ang Salita ng pananalig na aming inaanunsyo.
[10:9] Dahil kung hayagan kang sumang-ayon sa Panginoong Jesus gamit ang iyong bibig at nanalig ka sa loob ng puso mo na ibinangon Siya ng Diyos mula sa mga patay, maliligtas ka.
[10:10] Dahil ang tao ay nananalig gamit ang puso na nagreresulta sa katuwiran, at hayagan siyang sumasang-ayon gamit ang bibig na nagreresulta sa kaligtasan.
[10:11] Sinasabi kasi sa Biblia, "Bawat isang nananalig sa Kanya ay hindi mapapahiya."
[10:12] Dahil walang pagkakaiba ang Judio pati rin ang Griyego; dahil ang iisang Panginoon ng lahat ay masagana tungo sa lahat ng tumatawag sa Kanya.
[10:13] Dahil bawat isang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.
[10:14] Paano ngayon sila tatawag sa Kanya na hindi pa nila pinaniwalaan? Paano naman sila maniniwala sa Kanya na hindi pa nila narinig? Paano naman nila maririnig kung walang nag-aanunsyo?
[10:15] Paano naman sila mag-aanunsyo maliban sa ipadala sila? Tulad sa nakasulat, "Tunay na kaakit-akit ang mga paa ng mga nag-aanunsyo ng Masayang Balita ng kapayapaan, ng mga nangangaral ng mga mabubuting bagay!"
[10:16] Pero hindi lahat sila ay sumunod sa Masayang Balita. Sinabi kasi ni Esaias, "Panginoon, sino po ang naniwala sa aming balita?"
[10:17] Kaya ang pananalig ay nanggagaling sa balitang napakinggan, pero ang nakapaloob dapat sa balitang napakinggan ay ang Salita ng Diyos.
[10:18] Pero ang masasabi ko, hindi ba nila kailanman narinig? Hindi! Sa halip, ang boses nila ay naglakbay sa lahat ng dako ng daigdig, at ang mga salita nila papunta sa dulo ng mundo.
[10:19] Pero ang masasabi ko, hindi ba kailanman nalaman ng Israel? Una ay sinabi ni Moises, "Pagseselosin Ko kayo sa pamamagitan nila na hindi maituturing na bansa, sa pamamagitan ng isang bansang walang pang-unawa ay gagalitin Ko kayo."
[10:20] Si Esaias rin ay mapangahas at nagsabi siya, "Natagpuan Ako ng mga hindi naghahanap sa Akin; nakilala Ako ng mga hindi nagtatanong patungkol sa Akin."
[10:21] Patungkol naman sa Israel ay sinasabi niya, "Buong araw na nakaunat ang mga kamay Ko papunta sa pasaway at rebeldeng bayan."
[11:1] Ngayon ay sinasabi ko, hindi ba itinaboy na ng Diyos ang bayan Niya? Imposible! Dahil ako rin ay isang Israelita, mula sa binhi ni Abraham, sa tribo ni Benjamin.
[11:2] Hindi itinakwil ng Diyos ang bayan Niya na kilala na niya sa simula pa. Hindi niyo ba alam ang sinasabi ni Elias sa loob ng Biblia, kung paano siya nakikiusap sa Diyos laban sa Israel na nagsabing,
[11:3] "Panginoon, pinatay na po nila ang mga propeta Niyo, at winasak nila ang mga altar Niyo. At ako na lamang po ang naiwan, at inuusig na nila ang kaluluwa ko."
[11:4] Subalit ano ba ang sinabing kasagutan ng Diyos sa kanya? "Nag-iwan ako para sa sarili Ko ng pitong libong kalalakihan na hindi tumiklop ang tuhod kay Baal."
[11:5] Kaya rin naman sa kasalukuyang panahon ay mayroong itinira alinsunod sa eleksyon batay sa kagandahang-loob.
[11:6] At kung batay sa kagandahang-loob ay hindi na ito batay sa pagtatrabaho, kung hindi ang kagandahang-loob ay hindi na maituturing na kagandahang-loob. Pero kung ito ay nakabatay sa pagtatrabaho, hindi na ito kagandahang-loob: kung hindi ang pagtatrabaho ay hindi na maituturing na pagtatrabaho.
[11:7] Ano na ngayon? Hindi nakamit ng Israel ang bagay na hinahabol nito; pero nakamit ito ng eleksyon, at ang mga naiwan ay naging mga bulag.
[11:8] Alinsunod sa nakasulat, "Binigyan sila ng Diyos ng espiritu ng kamangmangan, mga mata na hindi makakita, at mga taynga na hindi makarinig hanggang sa araw na ito."
[11:9] At sinasabi ni David, "Maging isang patibong nawa ang kanilang lamesa, at maging isang bitag, at maging katitisuran, at maging isang kabayaran para sa kanilang mga gawa.
[11:10] Magdilim nawa ang mga mata nila para hindi na makakita at ang likod nila ay tuloy-tuloy nang makuba."
[11:11] Sinasabi ko naman, hindi ba sila natisod para tuluyan nang mapahamak? Imposible! Subalit dahil sa kanilang pagkakadapa ang kaligtasan ay dumating sa ibang mga bansa para udyukan silang magbago.
[11:12] Pero kung ang pagkakadapa nila ay kayamanan para sa mundo, at ang pagbagsak nila ay kayamanan ng mga taga ibang bansa; lalu nang mas matinidi ang mangyayari sa kasaganahan nila!
[11:13] Dahil sa inyong mga Hentil ako nagsasalita, ikinararangal ko ang aking ministeryo yamang ako ay isang tunay na mensahero sa mga Hentil.
[11:14] At kung maaari ay maudyukan ko sa pagbabago ang mga kababayan ko sa laman, at maligtas ang ilan sa kanila.
[11:15] Dahil kung ang pagkalaglag nila ay nagresulta sa pagbabalik-loob ng mundo, ano pa kaya ang pagtanggap nila kundi búhay mula sa kamatayan.
[11:16] Pero kung ang unang bunga ay banal, gayun din ang kabuuan: at kung ang ugat ay banal pati rin ang mga sanga.
[11:17] Pero kung ilan sa mga sanga ay naputol, at ikaw na ligaw na olibo ay dinugsong sa kalagitnaan nila, at naging kabahagi ng ugat at ng sustansya ng puno ng olibo,
[11:18] huwag kang magyabang laban sa mga sanga. Pero kung nagyayabang ka, hindi mo dala ang ugat, sa halip ang ugat ang may dala sa iyo.
[11:19] Sasabihin mo ngayon, "Pinutol ang mga sanga para ako ay maidugsong."
[11:20] Magaling! Naputol sila dahil sa di pananalig. At ikaw ay nakatayo dahil sa pananalig. Huwag kang hambog, sa halip ay matakot ka!
[11:21] Dahil kung hindi naawa ang Diyos sa mga likas na sanga, mag-ingat ka, kundi ay baka hindi ka rin Niya kaawaan.
[11:22] Pansinin mo ngayon ang kabaitan at kabagsikan ng Diyos: kabagsikan para sa ilan na bumagsak, at kabaitan para sa iyo kung ikaw ay mananatili sa Kanyang kabaitan: kung hindi, ikaw rin ay tatagpasin.
[11:23] At sila rin, kung hindi sila magtuloy-tuloy sa di pananalig, sila ay idudugsong; dahil kaya ng Diyos na muli silang idugsong.
[11:24] Dahil kung ikaw, na batay sa pinanggalingan, ay pinutol mula sa puno ng olibo na mula sa kalikasan, at kontra sa kalikasan ay idinugsong sa gitna ng itinanim na puno ng olibo, eh di lalung-lalo na ang mga nanggaling dito na maidudugsong sa sarili nitong puno.
[11:25] Dahil hindi ko hangad, mga kapatid, na wala kayong alam tungkol sa misteryong ito, nang sa ganoon ay hindi kayo magkamali sa sarili niyong karunungan. Dahil nangyari ang pagmamatigas ng Israel (hindi sa lahat) hanggang sa panahon na makapasok ang kabuuan ng ibang mga bansa.
[11:26] At sa ganitong paraan ang buong Israel ay maliligtas: ayon sa nakasulat, "Darating mula sa Zion, ang Tagapagligtas, at aalisin Niya ang kasamaan mula kay Jacob.
[11:27] At ito ang Kasunduan Ko sa kalagitnaan nila, kapag pinatawad Ko na ang mga kasalanan nila."
[11:28] Patungkol naman sa Masayang Balita, sila ay mga kalaban alang-alang sa inyo: pero patungkol sa eleksyon, sila ay minamahal alang-alang sa mga ama.
[11:29] Wala na kasing bawian sa mga bigay at sa pagkatawag ng Diyos.
[11:30] Dahil kung papaanong kayo rin noon ay mga rebelde sa Diyos, pero ngayon ay kinahabagan na sa pamamagitan ng kanilang pagmamatigas:
[11:31] Sa ganito ring paraan, sila ngayon ay di nananalig, para sa pamamagitan ng inyong kahabagan, sila rin ay makaranas ng kahabagan.
[11:32] Dahil ang lahat ay binigyan ng hangganan ng Diyos na nagresulta sa di pananalig, para ang lahat ay kahabagan Niya.
[11:33] Oh, ang lalim ng kayamanan pati ng karunungan, at kaalaman ng Diyos! Tunay na napakahirap maarok ang mga paghatol Niya, at napakahirap unawain ang mga paraan Niya.
[11:34] Dahil sino na ang nakaunawa sa kaisipan ng Panginoon, o sino na ang Kanyang naging tagapayo?
[11:35] O sino ang naunang magbigay sa Kanya, para ito ay masuklian Niya?
[11:36] Dahil mula sa Kanya, at sa pamamagitan Niya, at para sa Kanya ang lahat ng bagay: sa Kanya ang karangalan magpakailanman. Amen.
[12:1] Kaya naman nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid, na alang-alang sa habag ng Diyos ay ihandog niyo ang inyong mga katawan bilang isang buháy na alay: banal, katanggap-tanggap sa Diyos na siyang nararapat na paglilingkod ninyo.
[12:2] At huwag kayong makigaya sa mundong ito, sa halip ay hayaan niyong mabago kayo sa pamamagitan ng pagpapanariwa ng kaisipan niyo, para mapatunayan niyo kung ano ang mabuti, at nakatutuwa, at kumpletong kalooban ng Diyos.
[12:3] Dahil sa pamamagitan ng kagandahang-loob na ibinigay sa akin ay sinasabi ko sa bawat isa na kasama niyo, na huwag mag-isip ng higit pa sa nararapat na isipin; sa halip ay mag-isip ang bawat isa alinsunod sa nararapat, ayon sa sukat ng pananalig na ipinagkaloob ng Diyos.
[12:4] Dahil kung papaanong tayo ay may iisang katawan na may maraming bahagi, at lahat ng bahagi ay hindi pare-pareho ang gawain,
[12:5] gayundin marami tayo sa iisang katawan kay Kristo, at ang bawat isa ay bahagi ng isa't isa.
[12:6] At nagtataglay ng iba't ibang mga kaloob na gawain ayon sa kagandahang-loob na ibinigay sa atin: kung ito ay pagpapahayag sa kalooban ng Diyos, gawin natin ito ayon sa sukat ng pananalig;
[12:7] kung paglilingkod, gawin ito ayon sa tungkulin: kung siya ay nagtuturo, gawin niya ito ayon sa katuruan;
[12:8] kung siya ay nagpapalakas ng loob sa kapatiran, gawin niya ito ayon sa tinanggap na kalakasan: sa kanya na namamahagi, gawin niya ito ng taos sa puso; sa kanya na namumuno, gawin niya ito ng buong sipag; sa kanya na nagkakawang-gawa, gawin niya ito ng masaya.
[12:9] Ang pag-ibig ay walang halong kaplastikan; nasusuklam sa masama, nakadikit sa mabuti;
[12:10] ang pag-ibig sa kapatiran ay pagmamalasakit sa isa't isa; sa pagbibigay-galang ay pahalagahan niyo ang isa't isa;
[12:11] Hindi tamad sa gawain; mainit sa espiritu; naglilingkod sa Panginoon;
[12:12] nagdiriwang sa pag-asa; nagtitiis sa pagsubok; nagpapatuloy sa pananalangin,
[12:13] nagbabahagi sa mga pangangailangan ng mga banal; magiliw na tumatanggap sa mga bisita.
[12:14] Pagpalain niyo ang mga umuusig sa inyo; pagpalain niyo at huwag niyong sumpain.
[12:15] Samahan niyong magdiwang ang mga nagdiriwang, at samahan niyong magluksa ang mga nagluluksa;
[12:16] nakatuon ang atensyon sa iisang bagay, tungo sa kapakanan ng isa't isa; hindi pinagtutuonan ng pansin ang mga matataas na bagay, sa halip ay nahihikayat sa mga bagay na aba. Huwag kayong maging marunong sa sarili niyong kaisipan;
[12:17] huwag susuklian ng masama ang sinuman kapalit ng kasamaan. Gumawa ng mabuti sa paningin ng lahat ng tao.
[12:18] Kung kaya niyong gawin, mamuhay kayo ng mapayapa sa gitna ng lahat ng tao.
[12:19] Mga minamahal, huwag niyong ipaghiganti ang inyong mga sarili, sa halip ay magbigay kayo ng lugar sa Galit ng Diyos; dahil nakasulat, "Sa Akin ang paghihiganti, Ako ang maghihiganti, sabi ng Panginoon."
[12:20] Ngayon, kung magutom ang kaaway mo, pakainin mo siya. Kung mauhaw siya, bigyan mo siya ng maiinom; dahil sa paggawa nito ay idinadarang mo sa apoy ang kanyang konsensya.
[12:21] Huwag kayong magpadaig sa kasamaan, pero daigin niyo ang kasamaan ng kabutihan.
[13:1] Magpasakop ang bawat kaluluwa sa pamamahala ng mga nakatataas. Wala kasing pamahalaan na hindi nanggaling sa Diyos; at ang mga awtoridad na umiiral ay naitatag sa tulong ng Diyos.
[13:2] Kaya naman ang nagrerebelde sa awtoridad ay lumalaban sa kautusan ng Diyos. At itong mga nanlalaban ay tatanggap ng kaparusahan sa mga sarili nila.
[13:3] Dahil ang mga pinuno ay hindi panakot sa mabubuting gawa kundi sa mga masasama. Pero ayaw mo bang matakot sa awtoridad? Gumawa ka ng mabuti, at tatanggap ka ng papuri mula rito.
[13:4] Dahil siya ay lingkod ng Diyos para sa iyo tungo sa kabutihan, pero matakot ka kung gumagawa ka ng masama, dahil hindi niya taglay ang patalim sa walang kabuluhan. Dahil siya ay lingkod ng Diyos, isang tagapaghiganti para iparanas ang galit ng Diyos sa gumagawa ng masama.
[13:5] Kaya kailangan magpasakop hindi lamang dahil sa kaparusahan, kundi dahil rin sa konsensya.
[13:6] Kaya sa pamamagitan nito ay nagbabayad rin kayo ng buwis: dahil sila ay mga lingkod ng Diyos na nagbibigay atensyon dito sa bagay na ito.
[13:7] Kaya't ibigay niyo para sa lahat ang nararapat: ang amilyar para sa nararapat bigyan ng amilyar; ang buwis para sa nararapat bigyan ng buwis; ang takot para sa nararapat bigyan ng takot; ang paggalang para sa nararapat bigyan ng paggalang.
[13:8] Huwag kayong pabaya sa inyong obligasyon kanino man, kundi magmahalan kayo sa isa't isa. Dahil ang nagmamahal sa kapwa ay tumupad na sa Batas.
[13:9] Dahil ang, "Huwag kang makikiapid; Huwag kang papatay ng tao; Huwag kang magnanakaw; Huwag kang magsisinungaling sa iyong testimonya; Huwag mong pagnasahan ang hindi iyo;" at kung may iba pang kautusan, ito ay pinaigsi sa loob ng sumusunod na salitang ito, "Mamahalin mo ang kapwa mo gaya ng iyong sarili."
[13:10] Ang pag-ibig ay hindi gumagawa ng masama sa kapwa: kaya naman ang pag-ibig ang katuparan ng Batas.
[13:11] Ito pa, yamang alam natin ang panahon, na ngayon ang oras na tayo ay dapat bumangon mula sa pagtulog: dahil ngayon ay mas malapit na ang kaligtasan natin kaysa sa panahon na pinaniwalaan natin.
[13:12] Patapos na ang gabi, at malapit na ang bukangliwayway: kaya itigil na natin ang mga gawain ng kadiliman, at isuot na natin ang sandata ng liwanag.
[13:13] Lumakad tayo ng marangal, kung paano sa araw; hindi sa kalayawan at paglalasing, hindi sa kahalayan, at kawalang-hiyaan, hindi sa awayan, at inggitan;
[13:14] Sa halip ay isuot niyo ang Panginoong Jesu Kristo, at huwag kayong gumawa ng pagkakataon para ibigay ang mga hilig ng laman.
[14:1] Pero tanggapin niyo ang mahina sa pananampalataya nang hindi pinapansin ang pagkakaiba sa mga opinyon.
[14:2] May ilan na naniniwala na makakain ang lahat; pero may isa na may kahinaan na gulay lang ang kinakain.
[14:3] Huwag iwasan ng kumakain ang hindi kumakain; at huwag husgahan ng hindi kumakain ang kumakain: dahil tinanggap siya ng Diyos.
[14:4] `Sino ka ba para pagsabihan ang alipin ng iba? Nakakatayo siya o nadadapa siya sa harap ng kanyang panginoon. At makakatayo siya, dahil kaya ng Diyos na patayuin siya.
[14:5] May isa na pinahahalagahan ang isang araw higit sa ibang araw: at isa naman ay pinahahalagahan ang bawat araw. Dapat na lubos na makumbinsi ang bawat isa sa sarili niyang isipan.
[14:6] Ang nagpapahalaga sa araw, para sa Panginoon siya nagpapahalaga, at ang hindi nagpapahalaga sa araw, para sa Panginoon ay hindi niya ito pinahahalagahan. Ang kumakain ay kumakain para sa Panginoon, dahil sa Diyos siya nagpapasalamat. At ang hindi kumakain, para sa Panginoon siya hindi kumakain. At siya ay nagpapasalamat sa Diyos.
[14:7] Wala kasing isa man sa atin ang nabubuhay para sa kanyang sarili, at walang isa man ang namamatay para sa kanyang sarili.
[14:8] Dahil kung tayo man ay nabubuhay, nabubuhay tayo para sa Panginoon, at kung tayo man ay namamatay, namamatay tayo para sa Panginoon. Kaya kung tayo man ay nabubuhay, at kung tayo ay namamatay, tayo ay sa Panginoon.
[14:9] Dahil para dito ay parehong namatay, at nagbangon, at muling nabuhay si Kristo, para Siya ang parehong maging Panginoon ng mga patay at ng mga nabubuhay.
[14:10] Pero bakit mo hinuhusgahan ang kapatid mo? O kaya, bakit mo iniiwasan ang kapatid mo? Lahat kasi tayo ay tatayo sa hukuman ni Kristo.
[14:11] Dahil nakasulat, "Habang Ako ay nabubuhay, sabi ng Panginoon, bawat tuhod ay luluhod sa Akin, at bawat dila ay magpapahayag sa Diyos."
[14:12] Kaya naman ang bawat isa sa atin ay magbibigay ng talumpati tungkol sa kanyang sarili sa harap ng Diyos.
[14:13] Kaya huwag na tayo manghusga sa isa't isa: sa halip ay ito ang husgahan niyo ng higit sa lahat, na walang makapaglagay ng bagay na ikatitisod, o maging sanhi ng pagkadapa ng isang kapatid.
[14:14] Alam ko at kumbinsido ako sa Panginoong Jesus na walang bagay na marumi sa sarili nito; maliban sa kanya na nag-iisip na may bagay na marumi, iyon ay marumi para sa kanya.
[14:15] Pero kung dahil sa pagkain ay nabibigatan ang kalooban ng kapatid mo, hindi ka na lumalakad ayon sa pag-ibig. Huwag mo siyang ipahamak gamit ang pagkain mo, kung kanino si Kristo ay namatay.
[14:16] Samakatuwid, huwag niyong hayaan na mapagsabihan ng masama ang inyong kabutihan.
[14:17] Dahil ang Kaharian ng Diyos ay hindi pagkain at inumin, sa halip ay katuwiran, at kapayapaan, at kagalakan sa Banal na Espiritu.
[14:18] Dahil ang naglilingkod kay Kristo sa mga bagay na ito ay kalugod-lugod sa Diyos, at katanggap-tanggap sa mga tao.
[14:19] Kaya naman ay sikapin nating abutin ang mga bagay na magdudulot ng kapayapaan, at ang mga bagay na ikatatatag ng bawat isa.
[14:20] Huwag mong sirain ang ginawa ng Diyos alang-alang sa pagkain. Talagang malinis ang lahat ng bagay; pero masama sa taong kumakain na may iniisip na kamalian.
[14:21] Hindi tama na kumain ng laman o uminom ng katas ng ubas o gawin ang anumang bagay kung saan ang kapatid mo ay natitisod, o nadadapa, o mahina pa.
[14:22] Ikaw ba ay may pananampalataya? Panghawakan mo yan sa sarili mo sa harapan ng Diyos. Mapalad ang sinuman na hindi hinuhusgahan ang sarili sa bagay na pinapayagan niya.
[14:23] Pero ang nag-aalinlangan, kung siya ay kumain ay nahatulan na, dahil hindi ito mula sa pananampalataya; at ang lahat ng hindi mula sa pananampalataya ay kasalanan.
[15:1] Pero tayo na malalakas ay obligado na tiisin ang mga kapintasan ng mga mahihina, at hindi bigyan lugod ang ating mga sarili.
[15:2] Dahil bawat isa sa atin ay dapat na magbigay lugod sa kapwa tungo sa kabutihan para sa ikatatatag ng pananampalataya.
[15:3] Si Kristo rin kasi ay hindi binigyang lugod ang sarili, kundi ayon sa nakasulat, "Ang mga kahihiyan ng mga tumutuligsa sa iyo ay napunta sa Akin."
[15:4] Dahil anumang bagay ang naisulat noon ay naisulat para sa ating ikatututo, para sa pamamagitan ng pagtitiyaga, at ng kalakasang dala ng Biblia ay magkaroon tayo ng pag-asa.
[15:5] Ngayon, ang Diyos ng pagtitiyaga at ng kalakasan nawa ay bigyan kayo ng parehong kaisipan tungo sa isa't isa, tulad ng kay Kristo Jesus,
[15:6] para maparangalan niyo ng sama-sama at may iisang bibig ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu Kristo.
[15:7] Kaya naman ay tanggapin niyo ang isa't isa tulad rin ni Kristo na tumanggap sa atin na nagresulta sa kaluwalhatian ng Diyos.
[15:8] Ngayon ay sinasabi ko, na si Jesu Kristo ay naging lingkod sa mga tuli alang-alang sa katotohanan ng Diyos para tuparin ang mga pangako sa mga ama.
[15:9] At para ang mga taga ibang bansa ay luwalhatiin ang Diyos dahil sa Kanyang habag, ayon sa nakasulat, "Dahil dito ay magpapahayag ako sa Iyo sa gitna ng mga bansa at sa Iyong pangalan ay aawit ako."
[15:10] At muli siyang nagsabi, "Magdiwang kayong mga bansa kasama ng Kanyang bayan."
[15:11] At muli, "Purihin niyo ang Panginoon, lahat kayong mga taga ibang bayan: at awitan niyo Siya, kayong lahat na mga bansa."
[15:12] At muli, sinasabi ni Esaias, "Lilitaw ang isang ugat ni Jessie, at Siya ay tatayo para maghari sa mga taga ibang bayan; sa Kanya magtitiwala ang mga bansa."
[15:13] Ngayon, ang Diyos ng pag-asa nawa ay punuin kayo ng buong kagalakan, at kapayapaan kasama ng pananalig, para managana kayo sa pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
[15:14] At kumbinsido rin ako sa sarili ko, mga kapatid ko, patungkol sa inyo na kayo rin ay napupuno ng kabutihan, habang napupuno ng lahat ng kaalaman, at may kakayahang magpayo sa isa't isa.
[15:15] Pero sumulat ako sa inyo, mga kapatid, ng medyo may katapangan para mapaalalahanan kayo, dahil sa kagandahang-loob na ibinigay sa akin ng Diyos
[15:16] ay naging lingkod ako ni Jesu Kristo para sa mga hentil, naglilingkod para sa Masayang Balita ng Diyos para maging katanggap-tanggap ang paghahandog sa mga hentil na pinagging banal ng Banal na Espiritu.
[15:17] Kaya mayroon akong maipagyayabang kay Kristo Jesus sa mga bagay na patungkol sa Diyos,
[15:18] dahil hindi ako mangangahas na magsalita ng anumang bagay na hindi ginawa ni Kristo sa pamamagitan ko tungo sa pagpapasakop ng mga bansa sa salita at gawa
[15:19] sa pamamagitan ng makapangyarihang mga senyales at mga himala, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos. Kaya mula sa Jerusalem at paikot hanggang sa Illyricum ay naipahayag ko ng buong-buo ang Masayang Balita ni Kristo.
[15:20] Kaya rin nagsusumikap ako na ipahayag ang Masayang Balita kung saan hindi pa kilala ang pangalan ni Kristo, para naman hindi ako magsimula ng gawain sa ibabaw ng pundasyon ng iba.
[15:21] Kundi ayon sa nakasulat, "Makikita nila na hindi pa nasabihan, at mauunawaan nila na hindi pa nakarinig ang mga bagay patungkol sa Kanya."
[15:22] Kaya rin naman maraming beses akong naantala sa pagpunta sa inyo.
[15:23] Pero ngayong wala nang lugar para sa akin sa gitna ng mga lupaing ito, at may matinding hangarin na pumunta sa inyo sa loob ng maraming taon,
[15:24] Kung sakaling makaalis ako papunta ng Spain ay pupuntahan ko kayo: dahil umaasa akong makita kayo sa aking paglalakbay, at maihatid niyo ako galing dyan kung sa kabilang banda ay matapos na ang aking sadya sa inyo.
[15:25] Pero ngayon ay papunta ako sa Jerusalem, para paglingkuran ang mga banal.
[15:26] Dahil ikinatuwa ng Macedonia at Achaia na magbigay ng ilang donasyon para sa mahihirap na mga banal na nasa Jerusalem.
[15:27] Dahil ginusto nila, at sila naman ay may utang na loob sa mga ito. Kung ang mga ibang bansa kasi ay nakinabang sa kanilang espiritual na biyaya, utang na loob rin nila na paglingkuran ang mga ito sa pamamagitan ng mga materyal na bagay.
[15:28] Kaya pagkatapos nito at matapos maibigay sa kanila ang bungang ito ay dadaan ako sa inyo pagpunta ko sa Spain.
[15:29] At alam ko na kapag pumunta ako sa inyo ay darating ako na puno ng pagpapala ng Masayang Balita ni Kristo.
[15:30] Ngayon ay nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid, alang-alang sa ating Panginoong Jesu Kristo, at alang-alang sa pag-ibig ng Espiritu na sama-sama tayong magsumikap sa pananalangin sa harap ng Diyos para sa akin;
[15:31] na ako ay makaligtas mula sa mga di mananampalataya na nasa Judea, at para ang aking serbisyo na ihahatid sa Jerusalem ay maging katanggap-tanggap sa mga banal;
[15:32] na dumating ako sa inyo ng may kagalakan sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, at makaranas ng kaginhawahan sa piling niyo.
[15:33] Ngayon, ang Diyos ng kapayapaan ay sumainyong lahat. Amen.
[16:1] Ngayon ay ipinagkakatiwala ko sa inyo si Phoebe na kapatid natin. Isa siyang lingkod sa konggregasyon na nasa Cenchrea:
[16:2] na inyong tanggapin siya sa Panginoon sa paraang katanggap-tanggap sa mga banal, at paki alalayan niyo siya sa anumang bagay na kakailanganin niya sa inyo: dahil siya rin ay naging isang patron sa nakararami, at sa aking sarili.
[16:3] Pakibati niyo sina Priscilla at Aquila na aking mga kamanggagawa kay Kristo Jesus,
[16:4] (isinangkalang nila ang kanilang mga leeg kapalit ng buhay ko: kung saan ay nagpapasalamat hindi lamang ako kundi pati ang lahat ng mga konggregasyon ng mga hentil,)
[16:5] pati na rin ang konggregasyon sa kanilang bahay. Paki bati niyo si Epaenetus na aking minamahal. Siya ang unang bunga sa Achaia para kay Kristo.
[16:6] Paki bati niyo si Maria na labis na nagpagal para sa amin.
[16:7] Paki bati si Andronicus at Junia, ang aking mga kababayan at mga nakasama ko sa bilangguan, na may mataas na reputasyon sa mga mensahero. Sila rin ay na kay Kristo na bago pa sa akin.
[16:8] Paki bati niyo si Amplias na aking minamahal sa Panginoon.
[16:9] Paki bati niyo si Urbano na kamanggagawa ko kay Kristo, at si Stachys na aking minamahal.
[16:10] Paki bati niyo si Apelles na katanggap-tanggap kay Kristo. Paki bati niyo ang mga kasamahan ni Aristobulus.
[16:11] Paki bati niyo si Herodion na aking kababayan. Paki bati niyo ang mga kasamahan ni Narciso, na kasama ng Panginoon.
[16:12] Paki bati niyo si Tryphena at si Tryphosa na patuloy ang pagpapagal para sa Panginoon. Paki bati niyo ang minamahal na Persis na labis ang pagpapagal sa Panginoon.
[16:13] Paki bati niyo si Rufus na pinili sa Panginoon, at ang kanyang ina at akin.
[16:14] Paki bati niyo sina Asynchritus, Phlegon, Hermas, Patrobas, Hermes, at ang mga kapatirang kasama nila.
[16:15] Paki bati niyo si Philologus, at Julia, si Nereus, at ang kanyang kapatid na babae, at si Olympas, at lahat ng mga banal na kasama nila.
[16:16] Paki bati niyo ang bawat isa ng halik ng kabanalan. Ang mga konggregasyon ni Kristo ay binabati kayo.
[16:17] Ngayon ay nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid, na mag-ingat sa mga gumagawa ng dibisyon, at ng mga patibong laban sa katuruan na inyong natutunan, at lumayo kayo sa kanila.
[16:18] Dahil ang mga ito ay hindi naglilingkod sa ating Panginoong Jesu Kristo, kundi sa sarili nilang tiyan; at sa pamamagitan ng magaganda at mapagpalang salita ay nalilinlang nila ang mga puso ng mga walang kaalam-alam.
[16:19] Dahil ang inyong pagsunod ay nakarating sa lahat; kaya naman ako ay nagdiriwang patungkol sa inyo: pero hinihiling ko na kayo ay maging parehong mahusay sa kabutihan, at mangmang patungkol sa kasamaan.
[16:20] Pero sa loob ng maigsing panahon, ang Diyos ng kapayapaan ay dudurugin si Satanas sa ilalim ng inyong mga paa. Ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Jesu Kristo ay suma inyo.
[16:21] Binabati kayo nina Timoteo na kamanggagawa ko at ni Lucio, at ni Jason, at ni Sosipater na kababayan ko.
[16:22] Akong si Tertius na nagsulat ng liham na ito ay bumabati sa inyo sa Panginoon.
[16:23] Binabati kayo ni Gaius, na aking tinutuluyan, at ng buong konggregasyon. Binabati kayo ni Erastus, ang tagapamahala ng lungsod, at ng kapatid na Quartus.
[16:24] Ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Jesu Kristo ay suma inyong lahat! Amen.
[16:25] Ngayon, sa Kanya na may kakayanang itatag kayo alinsunod sa aking Masayang Balita, at sa proklamasyon ni Jesu Kristo ayon sa kapahayagan ng misteryo na itinago sa mahabang panahon,
[16:26] pero ngayon ay nailantad na, at sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta alinsunod sa kautusan ng walang hanggang Diyos, ay nakilala na sa lahat ng mga bansa para sa pagsunod sa pananampalataya:
[16:27] sa nag-iisang matalinong Diyos sa pamamagitan ni Jesu Kristo kung kanino dapat ibigay ang parangal magpakailanman. Amen. Para sa mga Romano, isinulat mula sa Corinth, inihatid sa tulong ni Phoebe na isang lingkod ng konggregasyon sa Cenchrea.